Picture po ni Ace nasa side. ^____^
A.N: 'Rael'=Israel. Godbless po!! Salamat sa mga nagbabasa!
*********************************************************************
[Chapter 22]
**Kim’s POV**
Hay!! Nakaka-sakit na talaga ng ulo ang pag-iisip!
Mag-hapon kong iniisip kung anong gagawin ko para magka-ayos na kami nina Popoy. Grr.
Andito na naman ako sa park, nagmu-muni-muni.
”Tsk! Kainis!” Sinipa ko naman yung tansan sa harap ko.
”Hey, kawawa yung tansan! Oh eto na lang, Coke. Bukas na yan. Hehe.” Hay, bakit sa tuwing mabigat ang pakiramdam ko, dumadating siya?
”Thanks.” Nginitian ko siya tapos uminom ako.
“Ano na namang problema? Ang hilig mong manipa ng mga walang kamalay-malay na bagay ha.”
”Eh Kasi naman, depressed ako! Anong gusto mo? Buti nga yan eh, para hindi ako maka-sakit ng tao. Brutal masyado.” Tumawa siya ng mahina.
”Tungkol ba sa mga kaibigan mo?”
”Right A.G.! You’re a psychic.”
“Eh yun lang naman kasi palagi ang problema mo eh.”
“Tingin mo anong dapat kong gawin? Nag-tampo sila kasi… Basta! ’Di ko alam ang gagawin ko..” Ngumiti na naman siya. Hay. Hindi siya nauubusan! Lalong pumo-pogi ’to eh.
”Just apologize. Yung maayos.. Just follow what your heart says.”
“A.G., ang lalim ah.”
Kahit naman hindi ko nage-gets madalas ‘tong taong ‘to, madali niya pa ring napapa-gaan ang loob ko. He is a good friend! Tingin ko nga, kung magkaka-kilala lang sila ng barkada ni Popoy, magkaka-sundo talaga sila!
Tahimik lang si A.G., pero kengkoy din at mapagkaka-tiwalaan, actually, madami silang similarities! Meron ding “gangster aura” si A.G., pero by his looks, I mean, except sa blonde hair niya, hindi talaga siya mukhang gangster. Good boy masyado itsura niya..
Di bale, kapag naayos na, ipapakilala ko na talaga si A.G. kina Popoy.
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.