[Chapter 21]
**Popoy’s POV**
Pagka-uwi ko, dumapa agad ako sa kama. Ugh! Nasigawan ko tuloy siya! Putek naman. Baka magalit sa’kin yun!
Pero sobra na kasi siya eh. Maybe she should learn her lesson.
“Nak, aren’t you hungry? May merienda rito.” Sabi ng Nanay ko.
“Hindi na Ma. Wala akong gana.” Dumapa ulit ako at nag-lagay ng earphones sa tenga.
Narinig kong bumukas ang pinto. Tss. Si Mama talaga, ang kulit! Siguradong kukulitin ako nito kung anong problema ko. Bakit kasi sinabi kong wala akong gana? Pwede namang sabihin ko na busog pa ako? Ugh.
”Speak, Israel.” Sabi ko nga, wala akong magagawa kundi mag-kwento kay Mama.
Liliwanagin ko lang, hindi ako Mama’s boy ha. Mahal lang talaga namin ni Mama ang isa’t-isa. Kaming dalawa na lang kaya pinipilit naming wag magka-roon ng gap sa’ming dalawa. Bale, siya na rin ang tumatayong Tatay sa’kin.
”Ang sensitive mo pala Anak. Haha!” Natatawang sabi ni Mama. +___+
”Wag mo nga akong pag-tawanan Ma! Eh sa na-rindi na ako eh!”
”Chill! Joke lang haha! Sana sinabi mo na lang na nagse-selos ka para hindi na humaba yung kwento mo.” Napa-tigil ako sa sinabi ni Mama. Ano daaw?!
”HAAA?!!”
”Ikaw, nagse-selos.” Sabay higop ni Mama sa juice. Kung maka-arte si Mama, parang hindi 45 years old. Sabagay, bata naman siyang tingnan. Hindi niya pinapa-bayaan ang katawan at sarili niya. Tuwang-tuwa yan kapag natatanong siya na ”Ate po ba kayo ni Popoy?”. Baliw =__=
”HINDI AH!! ASA MEN!”
”OOOOOH.. Defensive ang baby ko! Haha!”
“I’m not a baby and I’m not jealous! Crap!”
“Really? Kaya pala nagalit ka at nasigawan mo siya sa simpleng bagay lang na ginawa niya? I bet she’s really pretty huh?”
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.