Kharu’s Corner:
Lahat po ng maga-appear sa story na infos tungkol sa sakit ni Kim ay pinagaralan ko sa internet.. kung may alam po kayo na mali, pagpasensyahan niyo na.. Haha! Binabase ko naman po sa mga nakukuha ko eh.
Patapoooos naa.. XD
********************************************************************
[Chapter 54]
**Popoy’s POV**
Lunes ngayon.. Ngayon ang araw ng therapy ni Kim..
Hindi ko natupad yung pangako ko. Hindi ko kaya eh, kaya nag-absent ako sa klase.. Kailangang nandito ako para sa kanya..
Nung makarating ako, nasa loob na si Dra. Estrella. Nasa labas naman sina Tita at Tito. Ina-antay lang namin na lumabas si Dra.
”Tito, kung pwede naman po pala, bakit hindi na lang sa bahay niyo pinaturukan si Kim?” Narinig ko kasing pwedeng sa bahay lang gawin yung therapy.
”Mas gusto namin yung sigurado.. Para kung magka-problema man, nandito na siya sa ospital..”
Pagkatapos naming magusap, lumabas na si Dra.
”Kumusta po?” Napatayo kaming lahat.
”She’s sleeping.. rest period na ito para sa kanya.. Syempre kailangan pa rin nating gawin ulit ang chemo after the resting period.. Pwede niyo na siyang tingnan.. Wag niyo na lang siyang pagurin, pero ngayon, sumama muna kayo sa’kin.. Popoy, sumama ka na rin. We’ll talk about her condition.”
Pumasok kami sa office niya.
“Alam naman natin na hindi na biro ang leukemia niya.. Hindi halata sa katawan niya kasi alam kong lumalaban siya..”
Naisip ko yung mga panahong naka-ngiti si Kim.. Lahat ba yun.. Pagpa-panggap lang?
”Maraming pwedeng side effects ang chemotherapy para sa kanya.. pwedeng hair loss, vomitting, wag din kayo magtataka kung madali siyang magkapasa at pumayat.. Pwede kasing mawalan siya ng gana sa pagkain.. Be sure na healthy ang mga kinakain niya.. Mas mabilis din siyang mapapagod ngayon..” Tumingin sakin si Doc. ”Popoy, alam kong mas madalas kang kasama ni Kim. You should be responsible for her. Siguraduhin mong okay ang pagkain niya at ang intake ng gamot niya..”
“Kailan po kaya ang sunod na therapy?” Tanong ni Tita Yna.
“Titingnan ko pa kung anong mangyayari sa unang therapy niya.. Pwede kasing gumanda o lumala ang sitwasyon niya.. Ngayon, kung lumala.. Mas mabuting wag na nating ituloy ang chemotherapy..”
“Eh ano nang gagawin natin? Paano pa siya gagaling?” Maluha-luha na si Tita.
”May isa pa tayong choice, pero mahirap.. Pasalamat tayo at nagagawa na ang ganitong treatment sa ospital na ‘to.. But our problem.. Is searching for a donor.. Kakailanganin natin ng bone marrow transplant..”
“Hindi po ba delikado yan?” Sabi ni Tito.
“Indeed, it is. Pero kailangan. Pinangako ko sa anak niyo na gagawin ko lahat.. Masyadong kritikal pero para ko na ring anak si Kim.. Don’t worry, hindi pa naman tayo sigurado eh..”
Tumayo na ako at nag-paalam na babalik na sa kwarto ni Kim. Masyado nang mabigat ang loob ko.
Pag-pasok ko, narinig kong umiiyak siya. Nagulat ako nung makita kong may hawak siyang gunting..
At andaming naka-kalat na buhok sa sahig..
”Sh*t” Bulong ko, napatakbo ako sa tabi niya.
”KIM!! Ano bang ginagawa mo ha???!!!”
Humarap siya sa’kin.. Kanina pa siguro siya umiiyak..
Yung buhok niya na dating abot sa bewang niya, halos umabot na lang sa leeg ngayon..
Napa-yakap ako sa kanya. Masakit. Masakit na makita siyang ganito..
”M-mawawala rin naman... yung buhok k-ko di ba? K-kaya.. Mas mab-mabuti siguro kung.. ako na ang p-pumutol dito..” Napa-tingin siya sa mahahabang buhok na naka-kalat sa sahig.. Napahagulgol na siya.. ”Alam m-mo bang d-dalawang taon k-kong inala—gaan yung b-buhok k-ko? Tapos.. Tapos ngayon.. Wala na!!”
”Ano ka ba.. Tama na.. Kahit ano pang itsura ng buhok mo.. Ikaw pa rin ang pinaka-magandang babae sa buong mundo..” Pinipilit kong itago yung pag-iyak ko.. Takte.
”N-Natatakot ako.. Paki-ramdam k-ko, lahat kayo... na pinahahalagahan ko, mawawala * rin sakin.. Ayoko Popoy..”
”Shhh.. Tama na yan Kim! Gagaling ka! Tapos na yung first step! Di ba sabi mo lalaban ka? M-magkasama tayo Kim.. Please..”
Magkasabay na kaming umiiyak ngayon..
Ilang minuto rin kaming magka-yakap, pinapakalma ang isa’t-isa..
”Wag mo nang gagawin ulit yun ah.. Papatayin mo ’ko sa takot..” Pinitik ko ng mahina yung noo niya.
Ngumiti siya.. Maliit na ngiti.. Masyado na rin yata siyang pagod para ngumiti..
”Sorry.. Tara, tulog tayo.. Napagod ako bigla eh..”
”Sige, pahinga ka lang.. Babantayan kita.. Sweetdreams..” Hinalikan ko yung noo niya.
Kung alam ko lang na ganito pala kahirap..
Ang bigat sa dibdib! Gustong-gusto ko nang sumabog..
Ayos naman kami dati ah? Bakit kaya naging ganito?
Napa-tingin ako sa maliit na altar sa harap namin..
Kahit na wala ako sa simbahan.. Napaluhod ako sa harap ng altar.. Nagsimula na naman tumulo yung mga luha ko. Mukha na siguro akong uhuging bata rito.
”Lord.. Paki-gising po si Kim mamaya ah. Don’t let her fall to a very deep sleep. Gusto ko pa siyang mayakap at makitang naka-ngiti. Pangako, babantayan ko siya araw-araw, oras-oras.. Wag niyo lang po siyang kunin sa’kin….
Nagma-makaawa po ako..”
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Fiksi RemajaMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.