Kharu's Corner:
I know bitin ulit.. Pero sorry po talaga!! Wag niyo kong isumpa!! Haha!! Pasensya na po talaga, bakasyon kasi, hindi talaga ako masyadong nakakahawak ng computer.. Sorry talaga.. :**
**************************************************************************************************************************
[Chapter 46]
**Kim’s POV**
I’m.. Totally.. BACK!!!
Umuwi ako sa Pilipinas two weeks ago. Eksaktong start of classes ng college, eh marami pa akong inayos kaya second week na ako naka-pasok. Grabe, excited na kong makita sila! It’s been more than a year!
Sana nga lang may balikan pa ako. Kahit sina Shayne di ko pa napupuntahan eh..
Si Ace, naiwan sa Korea. Doon na siya magta-tapos with his girlfriend Yoo Min. Natupad ko naman yung deal naming eh. Ang tataas ng grades ko haha!
Pero sobrang naga-alala si Ace sa’kin.. Pati ako, sa condition ko. Sa loob ng isang taon at ilang buwan.. Hindi ako nakapag-pa check-up para sa leukemia ko.. Natatakot na rin ako.. What if.. Pag nagpa-check up ako, malaman ko na lang na malapit na pala yung oras ko?
This past few months, ilang beses akong nag-breakdown.. Fatigue, Lagi akong pagod, tapos madalas akong nagkaka-pasa kahit na wala namang bumubugbog sa’kin.. Naglo-loose rin ako ng weight kahit na hindi na ako nage-exercise. Ang sexy ko na masyado.
Naka-schedule ang check-up ko next week. Kung anuman ang results, tatanggapin ko.. Kasalanan ko naman eh.. At tsaka sa isang taon na malayo ako sa lahat..
Nabuo na yung loob ko. Magpapa-gamot na ako at magpapa-therapy kung kailangan.. Na-realize ko na gusto ko pang mabuhay.. Gusto ko pa silang makasama nang matagal..
First day ko sa UP ngayon. Grabe! Naligaw pa ako, tsaka parang nakita ko si Christian.. Grabe ang matured na ng itsura niya! Haha!
Ngayon, nandito ako sa tapat ng clubhouse. Mukhang nasa loob sila. Hindi ko alam kung dapat akong pumasok. Ang tagal kong nawala tapos bigla akong susulpot? Pero sinabi ko na naman lahat sa sulat ko eh..
Si Popoy kaya? Anong reaksyon?
Lumapit ako sa pinto.. Hawak ko na yung doorknob, napihit ko nang konti kaya narinig ko yung usapan nila.
”She looks like.. alot like.. Kim..” Boses ni Christian yun!
“Seryoso??!!” Gulat na gulat sila. Hihi!
”Oo!! Nakita ko siya sa building namin. Naka-ID siya! Mukhang bago pa siya kasi wala siyang kasama tsaka mukhang naliligaw siya kanina. Hindi ko siya malapitan.. Pero malakas ang kutob ko, siya talaga yun!”
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.