Author’s Corner:
Waaaaaaaaaa!!! Sorry po at matagal na hindi nakapag-update! Sobrang busy lang talaga at habang tinatype ko ‘to eh mamatay-matay na ako sa sakit ng katawan. Yan ang nangyayari sa mga todo hataw sa pag-sayaw. Haha!
Eto po, pinilit kong makapag-type ng dalawang chaps. Sorry ulit, yun lang po ang nakayanan ko.. and Thank you! *Q* Chuuuuuuuuuuuuuu~
********************************************************************
[Chapter 10]
**Popoy’s POV**
Masyado yatang cheesy yung ginawa ko? Hinipo ko yung ulo niya na parang bata?
Eh ano bang cheesy dun? Para ngang bata eh, di ba?
”Pst! Bossing!” Lumingon ako sa taas. Pa-akyat na ako sa rooftop. Tinatawag ako ni Dex.
Tumakbo na ako pa-akyat.
”Oh, bakit?” Tanong ko sa kanila. Nandito sina Dex, Louie, Kurt, Dennis at Enzo.
Bihira kaming tumambay sa rooftop eh. Anong problema ng mga ’to? At madami-dami kami ngayon ah?
“Wala, masama bang humingi ng quality time kasama mo? Haha!” Sabi ni Enzo.
”Yak. Ang bading mo!” Sagot ko. Umupo ako sa railings.
”Nga pala ’tol, may kasama pa kami.” Sabi ni Kurt.
”Ha? Sino?”
”Hoy ugok. Labas na diyan, naihi ka na yata sa salwal mo! Haha!” Nag-tawanan sila. Aba, mukhang alam ko na kung sino.”
May lumabas na naka-tungong lalaki galing sa bodega. May maliit kasing bodega rito sa rooftop.
”Yowh! Peace men!” Naka-ngising sabi nung bugok.
“Anong peace? HA? ANAK KA NG PATING! LUMAPIT KA!!!” Kukuyugin ko na sana siya pero inawat ako ng barkada.
”Wag niyo ’kong pigilan! Tuturuan ko ng leksiyon yan!!”

BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.