EPILOGUE

2.7K 80 75
  • Dedicated kay If you're reading this, then this is for you. ^___^
                                    

Kharu’s Corner:

Wala, hindi ko rin napigilang i-upload agad ‘to. T_____T

Ayun, SALAMAT PO NG MARAMING-MARAMI sa mga sumubaybay, nag-vote, nag-comment, mobile users, silentreaders, at sa lahat-lahat!!! Masaya ako at naka-tapos na naman ako.. Sana sa mga susunod ko pang stories, suportahan niyo pa rin ako. Salamat!

To God be the Glory!

********************************************************************

[EPILOGUE]

 

Umihip ulit ang malakas na hangin, napahawak ako sa puntod niya..

“Miss na kita.. Sobra..”

Sabi ko habang inaayos ang mga dala kong bulaklak. Hanggang ngayon, masakit pa rin sa loob ko ang pagkawala niya..

Sa huling pagkaka-taon sa taong ’to, tinitigan ko ang puntod niya.. Pinapigilan ko yung pag-tulo ng mga luha ko.

Lalo na kapag naa-alala ko yung sulat na iniwan niya bago siya mawala..

”Popoy,

     ’Wag ka magagalit sa ginawa ko ha? Mahal na mahal kita.. Masakit sa akin na iwan ang kaisa-isa kong anak na nagbi-binata pa lang, pero mas masakit sa’kin yung makita kang nahihirapan at nasasaktan ng sobra. Naisip ko noon, kung pwede lang na ako na lang ang mawala, wag na si Kim. Pero pwede naman talaga. Nung nalaman ko na kailangan ni Kim ng donor, nagpa-test kaagad ako. Nung sinabi na magka-match kami ng tissues, pumayag kaagad ako. Kung papalaring mabuhay si Kim, mas mahaba pa ang pagsasamahan niyo.. Madami na tayong napag-samahan.. Tsaka, malayo pa ang mararating ni Kim.. Magiging masaya ka hanggang sa pagtanda niyo. Kaya ’wag na ’wag kayong magb-break ha? I’m watching you, kids. Sabi ko kay Dra., ibigay ’to kapag naging maayos ang operasyon. Kaya siguro ngayon, kahit papaano sasaya ka na, anak. Masakit lang sa una, wala na ang maganda mong Mama. Tandaan mo lang na mahal na mahal kita, kahit na iniwan tayo ng Papa mo. Tingnan mo lang si Kim, makikita mo rin ako sa kanya.

P.S. Ikumusta mo ako sa mga magiging apo ko ha? I love you, anak.

                                                                     Ezra Marques.”

Tumulo ulit ang luha ko sa mismong pangalan ni Mama na naka-ukit sa puntod niya. Medyo nabawasan na pero mabigat pa rin sa dibdib kapag naa-alala ko.

Binigay niya yung sulat kay Dra. Nung matapos ang operasyon, nalaman nina Dra. na siya pala ang nanay ko, kaya abot-abot ang pagso-sorry nila sa’kin. Ang nanay ko kasi, ang daming alam na pakulo.

Pero hindi dapat malungkot. Ginawa niya yun para sa’kin, para sa’min ni Kim. Aalagaan ko si Kim, sa ganun parang si Mama na rin ang ina-alagaan ko.

”Sorry.. Sorry talaga ulit sa nangyari..” Nakikita ko pa rin ang guilt sa mga mata ni Kim. Anim na taon na simula nung operasyon at balik na sa normal ang lahat.. Mahaba na ulit ang buhok ni Kim at bumalik na yung dati niyang katawan.. Halos walang naiba..

Pero syempre, may mga bagay pa rin na nabago..

Katulad ng last name ni Kim. Siya na ngayon si Mrs. Kimberly Joyce T. Marques.

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon