Kharu'corner:
Merry Christmas po!! Pasensya na kung isa lang to.. Reaalllyyy sorrryy... Sorry kung nadi-disappoint ko kayo at pinapag-hintay ko kayo.. haha! Sorry talaga 1000x!!
**********************************************
[Chapter 47]
**Popoy’s POV**
Sinampal niya ‘ko. Pinaka-malakas na sampal na natanggap ko galing sa isang babae.
Siguro nga.. Napa-sobra ako sa pananalita ko at nasaktan ko siya. Pero kung tutuusin, tama lang yun sa ginawa niya. Bakit? Iniwan na siya nung lalaki niya kaya bumabalik siya sa’kin, hoping that I will be her dog again? Hah!
Pagka-labas ko sa pintuan ng clubhouse, nandun pala ang buong tropa. Hindi sila umalis, nakinig lang sila sa usapan namin.
”Tol.. Sobra naman yata yung mga sinabi mo..”
”Umuwi siya para sa’yo..”
”Dapat mag-sorry ka.. Mag-paliwanag ka..”
”Tss. Ako pa ngayon? Eh siya yung may lakas ng loob na bumalik dito pagkatapos ng kalandian niya eh!! Hayaan niyo siya!!”
”Pare tama na! Nilalamon ka na ng galit mo eh!!”
”Wala kayong pakialam! Wala kayo sa posisyon ko! Kaya pwede ba, wag niyo akong pangunahan? Sh*t!” Iniwan ko silang lahat kahit na pinipigilan nila ako.
Bakit ba parang kamping-kampi sila sa babaeng yun? Ako na nga yung kaibigan nilang gin*go eh. Gustong-gusto nila na magka-ayos kami.
Pagka-uwi ko sa bahay, diretso ako sa garden dala lahat ng beer sa ref namin.
”Oh, umiinom ka na naman Popoy? Napapadalas ka na ah!” Pinipilit agawin ni Mama yung supot ng beer.
”Hayaan mo na ako, Ma.”
”Anong hayaan? Hayaan na mamatay kakainom? Ano ba! Hindi ka naman marunong uminom dati ah? Akin na yan!”
”Dati yun Ma!! Bakit ba lahat kayo palagi akong ikinukumpara sa kung ano ako dati ha?? Start living in the present!!” Sa galit ko, nai-tumba ko yung upuan at sa kwarto ko dinala lahat nung beer.
Ni-lock ko yung kwarto at sumalampak ako sa kama.Nakaka-badtrip naman oh! Bakit kasi bumalik pa siya!
Sunod-sunod ang inom ko, nakaka-ubos na ako ng limang bote. Wala akong pakialam kung magka-hangover ako bukas. Ayos yun, hindi ko kailangang pumasok kahit Biyernes pa bukas at makita yung mga mukha nila.
Napa-lingon ako sa side table.
TAKTE naman Mama!! Ilang beses ko ba kailangang basagin yung picture frame na ’to? Palaging bumabalik sa side table!!
Iba-bato ko sana ulit sa pader yung picture frame pero natigilan ako nung nakita ko yung mga mukha sa picture na yun.
Kasama ko siya.
Kailan nga ba ako huling ngumiti nang ganito? Kung hindi mo ’ko iniwan, hindi sana ako miserable ngayon..Magi-isang oras na ako sa pag-inom nung nag-ring yung cellphone ko, binasa ko yung text.
From: Christian
‘Tol. Pag-isipan mong mbuti. Alam nming galit ka sa knya, pero please.. Ayaw kong pagcchan mo sa huli. Ayusin mo yung sa inyo ni Kim.. Please. Pumunta ka.
Pagsisisihan ko? Ha! Matagal na akong nag-sisi at nahulog ako sa kanya!
Pumunta? Saan naman? Tss.
Maya-maya may nag-text ulit. Unregistered number.
From: +639478902465
Please Popoy.. Let me explain everything. Ssabhin ko sayo lahat.. Usap tayo please.. Sa Sunday .. punta ka sa playground sa likod ng clubhouse.. I’ll wait.
**Kim’s POV**
“Don’t worry.. Pupunta siya.. Magkaka-ayos din kayo..” Kino-comfort ako nina Shayne at Ciara. Sobrang nagulat sila nung dumalaw ako.
“Sana nga.. Miss na miss ko na siya eh..” Nag-pahid na ako ng luha.
Ang laki-laki talaga ng pinag-bago ni Popoy.. Itsura at ugali.. Konting-konti na lang, ibng tao na talaga siya.. Pero naiintindihan ko naman eh..
He has this badboy hairstyle.. Metal chains.. May ilang studs na rin siya na mahahalata mo lang sa malapitan.. May butas sin yung left ear niya. Parang lagging handa sa laban.. Ngayon.. He definitely looks like a gangster..
Tapos, hindi na siya yung mabait, maalaga, sweet at gentle na boyfriend ko dati.. Kung babalik tayo sa nakaraan, hinding hindi niya masasabi yung mga bagay na ganun.. Yung sobrang sakit at tagos sa puso..Kunsabagay, ako naman talaga ang may kasalanan.. Kung hindi ako umalis, hindi siya magkaka-ganito.
Pero kung hindi naman ako umalis, hindi ko mare-realize yung mga bagay-bagay.. Hindi ako magma-mature at hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na lumaban na talaga sa sakit ko..
Sa Sunday na yung check-up ko.. After nun, makikipag-kita ako kay Popoy. Kung ano man ang results, sasabihin ko rin sa kanya.. Ayoko nang magtago.. Ramdam ko naman na malaki ang naging epekto ng isang taong walang check-iups at medications sakin. Mahirap mamuhay sa Korea lalo na kapag may sakit ka..
Lumalabas na rin yung mga symptoms na dati hindi ko naman nararamdaman.. Para tuloy akong nagpapakamatay sa ginawa ko..
Syempre, natatakot pa rin ako sa mga malalaman ko.. Pero wiling na ako sa mga magiging kapalit. Kung hindi man ako mabuhay ng mahaba, atleast lumaban ako.. Hindi ako nawala sa mundo nang hindi man lang nags-strive para mabuhay.
Sana lang pagka-tapos nito, maintindihan na ni Popoy ang lahat. Sana mapag-isipan niya na rin ’to..Miss na miss ko na siya..
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Novela JuvenilMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.