Chapter 41

1.5K 20 0
                                    

[Chapter 41]


**Kim’s POV**

Grabe. Hindi pa rin ako maka-get over sa nang-yari kaninang graduation ceremony! Feeling ko nasa ball na ako kanina eh. Haha!

”Okay, I’m done with your hair!!” Sabi ni Ate Apple. Make-up Artist.

“Wow! Thanks Ate!” Ang galing niya mag-ayos! May naka-ipit na parang malaking bun tapos may mga mahahabang curls na naka-laylay. Parang ready-to-be-crowned hairdo naman to! HAha!

“Make-up naman. Sisiguraduhin kong hindi mo makikilala ang sarili mo! Haha! Harap ka sakin..” Pinatalikod niya ako sa salamin. Naka-bathrobe pa ako, para hindi madumihan yung gown ko. Waaaaaaaaa! Sana maisuot ko nang hindi nagugulo ang buhok ko.


Ano kayang itsura ni Popoy? Haha! Eh kahit ano namang suot niya, gwapo siya eh! Lalo na habang kumakanta! Kung hindi lang bawal nag-laway na ko dun haha!

I’m so blessed to have him. Thank you Lord!


Kaso, mas lalo naman akong nagi-guilty! Aagh! Erase, di ko muna iisipin yun. Magpapakasaya naman muna ako!

After 30 mins. natapos na sa mukha ko si Ate Apple. Haharap na sana ako sa salamin pero pinigilan niya ’ko. Surprise daw, kapag nai-suot ko na yung gown, tsaka ko daw tingnan.


Dumiretso ako sa walk-in-closet ko.


”Ate Apple! Patulong naman!” Agad namang pumunta sa’kin si Ate Apple. Medyo may kahabaan din kasi ‘tong gown ko.


Violet siya, halter. Wala siya masyadong designs pero ang ganda ng pagkakagawa!! Grabe. Nakaka-konsensya ang gastos! Once in a lifetime lang daw kasi ’to sabi nina Mommy.

Pagka-suot ko, lumabas na ako.


“Ate Apple, Okay lang?” I asked, nervously.

“OH.MY.GOSH.” Tumakbo siya palabas ng kwarto. Hala!! Hindi ba bagay? T__T

“Look!!!” Narinig kong sabi ni Ate Apple, nakita ko sila sa pintuan na naka-tingin sa’kin.


O___O ß Yan silang lahat.


”OH MY!! ANG GANDA NG ANAK KO!!” Tumakbo sa’kin sina Mommy at Daddy.

”Ang galing mo talaga Apple!” Sabi ni Mommy.


Hinarap naman sakin ni Ate Apple yung full-seized mirror ko. And BOOM!!


May isang di kilalang babae na nakaharap sakin. Takte, ako pala yun. O_O

Natauhan lang ako nung ,may bumusina sa labas.


”OHMY!! Andyan na yung prince mo Kim!!” Bigla akong kinabahan.. Waaaaaaa!


”Baba ka na dali!” Inalalayan ako nina Mommy sa pagbaba. Ang taas pa naman ng heels ko!


”Tita Yna!! Tito Paolo!!” Narinig kong sigaw ni Popoy, nasa sala na siya. Kami palabas pa lang ng pintuan ko. Uh-oh, panic mode!!


”Tita!! Asan po... si.. K-Ki—mm.....” Putol-putol niyang sinabi nung nakita niya ako. Natatawa naman ako sa reaction niya!!

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon