Kharu’s Corner:
Pssssssst!! Gusto ko pong mag-apologize sa chapter 50-51, may mga pagkakamali po dun haha! Kung hindi niyo napansin, okay lang kahit di niyo na po balikan, numbers lang po yun..! Na-edit ko na. XDD Sorry po ulit, bangag ako T___T Maliit lang naman talaga yung mistake pero hindi talaga ako matahimik habang nagka-klase.XD
Godbless!.^___^
********************************************************************
[Chapter 52]
**Kim’s POV**
7 days.
Humingi akong 7 days para magpaka-saya, bago ako magpa-chemo.
Today is the third day.
Syempre, hindi naman ganoon kadali kahit pa sabihing ready na ako. Paano kung hindi pala magamot nun yung sakit ko? Mas malala na ’to kumpara noon.. Gusto ko naman na maraming mabaong memories kahit anong mangyari...
Pampalakas din yun ng loob!
Nung sinabi ko nga kina Mommy na hindi muna ako magpapa-gamot, Medyo nagalit sila.. hindi rin naman nila ako masisisi, kaya pumayag sila.. Naiintindihan nila.. Pero syempre, regular ang check up ko at pag-inom ng gamot. Hindi kaya ako ma-over dose? Ang dami eh. Haha.
Sa clubhouse lang naman kami nagsasaya. Naiintindihan ko kung pinagba-bawalan na nila akong sumama sa malalayong hang-outs.. Bawal na ko mapagod. Hay. Feeling ko nanghihina ako.. Pakiramdam ko rin, ako pa yung nagiging KJ kahit hindi ko naman gusto. Syempre, para hindi ako mainggit, hindi na rin sila pumupunta sa ibang lugar para gumimick.
Katatapos lang ng klase namin ngayon. As usual, sa clubhouse ulit kami.. Astig kasi mas lumaki na nga yung clubhouse namin.. Nadagdagan na rin yung rooms tsaka mga pwedeng gawin. May music room na nga rin eh. Feeling banda raw sila.
Nandito ang buong barkada, pati sina Shayne at Ciara..
Nararamdaman ko talaga yung suporta nila.. Tsaka alam kong hangga’t kaya nila, iiwasan nila yung topic tungkol sa sakit ko.
”Oh, guys! Anong plano niyo ngayon? Iba naman! Haha!” Tanong ni Ciara.
”Jamming tayo!!” Sabi ni Christian habang nagg-gesture ng gitara.
”Weh? Feeling bandista talaga!!” Sabi naman ni Shayne sa kanya.. Nag-pout naman si Christian. Ayee. Ayan na naman silang dalawa.
”Sige, Tara!” Pumayag ako, since gusto ko rin silang makitang tumugtog.
”Pero lagyan natin ng twist!” Sabi ni Ciara.
“Anong twist naman ‘yan?” Sabi ni Kurt, HH sila ni CIara. Hoho.
”Isa-isa tayong magpe-perform. Haha! Bawal KJ!”
Lahat naman pumayag sa plano ni Ciara.
”Drawlots ah!!” Narinig kong nag-’tsk’ si Popoy. Haha!
Nagbunutan na kami, yung order, Christian, Louie, Kurt, Ciara, Shayne, Ako tapos si Popoy. Wala si Enzo at Dexter, sayang!! Busy studies nila.
Pagkatapos magreklamo ni Christian kung bakit siya ang una, nagsimula na kami. Kinuha na ni Chris yung gitara.
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Fiksi RemajaMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.