Chapter 17

1.7K 20 0
                                    

[Chapter 17]

 

**Popoy’s POV**

Gaya nga ng utos ko, nilayuan ng buong tropa si Kim. Alam kong nahihirapan sila. KAMI. Pero alam kong mas okay na gawin namin ’to, kesa mapamahak si Kim kung maraming makakakita na madalas namin siyang kasama.

Lalo na sa mga nalaman namin.

Naka-hanap ng access sa village nina Kim si Kurt. On patrol kami palagi. Masyadong natakot ang tropa sa pagba-banta nung leader na huli naming naka-away.

Doon ko nalaman kung sino yung naka-laban namin.

Ace Gabriel Navaza. Yan ang pangalan nung lalaking ka-one-on-one ko noon.

Hindi pala siya leader nung mahinang gang na humamon sa’min. Lumalabas na napadaan lang siya don, naghahanap ng aksyon. Parang timang lang.

Pero leader talaga siya ng gang.

Nung gang na mortal na kaaway ng tropa namin.

Yung grupo sa kabilang village.

In short, teritoryo nila yung village kung saan naka-tira si Kim. Dahil dun, mas na-alarma kami.

Paano kapag nag-kita si Kim at Yung g**ong Ace nay un? Edi patay na?

Nag-simula na kaming gumawa ng mga paraan para ma-protektahan si Kim nug isang araw.

Yung una kong ginawa, pina-dala ko kay Sushi, yung aso ng kapatid ni Christian, yung note na sinulat ko para kay Kim. Hindi ko alam kung maniniwala siya sa kabaduyang yun pero wala na akonmg maisip na ibang paraan. Nahihiya akong sabihin ng personal. Iniiwasan nga namin siya diba?

”Be careful. Always watch your back.”

 

Yan ang sinulat ko.

Tapos kahapon, tinext ko siya. Ewan pero natuwa ako nung naka-text ko siya. Natatawa ako kasi pikon siya, akala niya niloloko ko siya.

Hiningi ko pa yung number niya dun sa dalawa niyang bestfriend na ka-village namin pero syempre, sabi ko wag nilang sasabihin kay Kim na hiningi ko yun. Kailangan ko lang kasi talaga.

Nung nagpa-kilala ako, hindi na siya nag-reply. Galit siguro siya sa’kin kasi ini-isnab ko siya.

Pero mas ayos na yun para makapag-focus ako sa tropa at para hindi na rin siya mapa-sama sa mga gulo.

Sana lang sundin niya yng sinabi ko na wag siyang masyadong lalabas ng bahay nila. Hindi ko nga sigurado kung minamatyagan na siya ni Ace at nung gang niya. Ano bang kailangan nila kay Kim?

Mahirap kung mahahanap nila si Kim. Wala siyang kawala kasi teritoryo nina Ace yung village nila. Marami silang sources dun. Sana Kim, makinig ka naman.

She’s smart. Alam niya naman siguro kung sino sa mga taong nakakasalamuha niya sa village nila araw-araw ang mapagkaka-tiwalaan niya. Kahit papaano naman, siguro tatatak din sa isip niya yung mga warning ko.

She knows how to fight anyway. She’s awesome at it. Totoo naman yung sinasabi nina Christian eh. She’s cool.

Pero kahit na, hindi ko maalis sa isip ko na baka isang araw, mabalitaan na lang namin na hawak na siya ng mga kaaway. Babae pa rin siya.

Kung pwede nga lang sana na araw-araw, mababantayan ko siya eh. Pero ayokong sumugal. Marami nang gang ang naghahanap ng butas para mapa-tumba kami.

Alam kong kapag nakita nila na pinoprotektahan at malapit sa’kin este, sa’min pala si Kim, baka ipang-blackmail pa nila yun sa’min. Dehado siya.

Mas okay na yung malayo siya sa’min kesa mapahamak siya kasama namin.

Takte, ang drama ko.

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon