Chapter 37

1.5K 22 0
                                    

Kharu’s Corner:

Hey guys! Sorry kung ngayon lang ’to ah? Weeeeeeee! Lapit na mag-December!

********************************************************************

[Chapter 37]

 

**Kim’s POV**

“GroomyPoy! Ang OA mo na ha!”He brushed his hand through his hair.

“Aaaaargh. Kailangan galingan ko!! Kailangang maka-pasa ako! Kailangang mag-aral ako!! Kailangang—”

”Oh pleeeeeease! NAKIKINIG KA BA SA’KIN?!” Dun lang siya na-tauhan.

”Ugh. Sorry. Takte nakaka-stress. Screw those examinations =___=”

Di ko alam kung matatawa ako o maiinis. Kasi naman, stress na stress siya sa exams namin ngayon. Tapos na yung final exams namin at hindi pa namin nakikita ang results. Tapos ngayon naman, nandito kami sa venue ng exams, UPCAT. Yun ang first choice namin ni Popoy. Late na nga kami nag-exams.. Yung mga classmate naming eh December pa. Eh since sabi niya matalino ako, maning-mani lang sa’kin yun. Eh siya, sobrang stressed. Ang laki nga ng eyebags niya eh!

But then it was really touching. Gustong-gusto niyang maka-pasa para di kami magka-hiwalay.

Naku! Na-tyempo pang March 16 ngayon, 3rd monthsarry namin. Grabe, enjoy ’to haha! First time niyang stressed sa monthsarry namin!

Tinawag na kami nung naga-assist.

”You ready?” I asked him.

“Hell yeah.” Napatawa ako. Intense naman! Napaka-desperado haha!

Umupo na kami sa designated seats naming. Nasa likod ko lang siya. Halatang stressed siya, he’s massaging the bridge of his nose. Yun ang sign.

“Popoy.” Tinawag ko siya. “Happy Monthsarry. Good luck!” Then tumalikod na ako. Nanlaki ang mga mata niya, then the exams started.

Tama kaya yung ginawa ko? Baka kasi lalo siyang na-stress dun. Alam ko kasing naka-limutan niya na monthsarry namin ngayon, maybe because of too much stress. Nai-intindihan ko naman eh. Masyado na siyang maraming efforts nung mga nakaraang monthsarries namin. It’s time for his break.

English was easy, it was my forte. So-so lang ang Science.. Yung Filipino naman okay lang din.. Math went SURPRISINGLY okay.. Lahat naman ng exams okay lang. Di ko alam kung madali ba o talagang natandaan ko lang lahat ng lessons namin?

Natapos ang exams.

Si Popoy kaya? Okay na?

”Hey, you okay?” Itinayo ko siya. Naka-simangot siya.

”Oh bakit naman buraot ka dyan?” Bigla niya akong niyakap.

”I’m sorry..” He whispered.

”Shh. Ano ka ba! Okay lang yun! You see, mag-kasama pa rin naman tayo ngayon diba? Tara na. Bawal ang PDA, asa classroom pa rin tayo. Haha!” Medyo relieved na rin ako, akala ko kasi hindi niya na-sagutan yung exams.

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon