Chapter 40

1.5K 15 5
                                    

Kharu’s Note:

Wag niyo po muna ipe-play yung video ha? Antayin niyo muna yung Go signal haha! Thanks!

********************************************************************

[Chapter 40]

 

**Kim’s POV**

”Kiiiiiiim! This is your big day! G-graduate ka na!!” Yan ang bungad sakin ng mga tao sa bahay. What a great start! Haha!

Ang bilis talaga ng panahon, Graduation na namin! Batch 2011. Waaaaaaaah!

But this year, might be my most treasured one.

Kumain kami ng breakfast, nag-bihis ako ng uniform. Mami-miss ko ‘tong cute naming uniform!! Yung long sleeved top, above the knee-skirt at yung blazer!! Pinatungan ko na siya ng toga. Waaaaaaaah! Mukha na talaga akong g-graduate!

”Gosh, g-graduate ka na talaga baby!!” Nag-hug kami nina Daddy at Mommy.

”Proud na proud kami sa’yo anak!”

Inayusan na ako ni Mommy ng buhok. Yung tama lang para sa cap ko. Hindi na muna namin bo-bonggahan since aayusan pa naman ulit ko mamaya for the Grad Ball. Kyaaaaaaaah, excited na ako!

”Err, 6:45AM na! Alis na tayo, tawagin ko lang si Daddy mo ha, punta ka na sa car!”

Pumunta na nga ako sa kotse. 7AM-12NN yung Graduation ceremony namin, tapos 5PM-12PM yung Grad Ball. Mas mahaba pa yung Ball kesa sa Ceremony. Haha!

Nakuha na namin ni Mommy yung gown kahapon. Ang ganda ganda! Mukha namang babagay nga sakin since pinagawa talaga yun ni Mommy. Dapat daw eh ako ang pinaka-maganda. Haha!

Hindi ko sinabi kay Popoy yung itsura ng gown ko para surprise syempre! Masyadong cheesy kung magte-terno kami.

Pero syempre, fave color ko yung gown. Violet. Haha! Nag-hire pa talaga ng make-up artist si Mommy para mamaya. Grabe lang, di naman ako lalaban ng pageant!

Maya-maya, bumaba na rin sina Mommy. Si Daddy talaga iyakin!! Halata mong teary-eyed pa siya, kaya naman kiniss ko siya sa cheek.

”Thanks for everything Dad, para sa inyo ’tong award ko ^__^” Tapos umalis na kami ng bahay. Ang saya, kumpleto ulit kami sa graduation ko!

Pag-dating naming eh prepared na lahat. From the stage to the seats. Linibot ko yung tingin ko sa campus.. Mami-miss ko ‘to!

“Okay, we are about to start. You may all take your designated seats.” Sabi nung emcee. Si Popoy kaya nasaan? By surname kasi ang arrangement ng chairs eh. Marques siya, Tiangco naman ako. Ang layo niya!

“Kim, tumawag si Ezra, sabi niya male-late raw sila nina Popoy, nagka-emergency lang. Don’t worry too much..” Ngumiti na lang ako. Sana ma-abot nila yung speech ko…

Isa-isa na ring nagdatingan ang barkada, nag-yakapan kami at nag-batian. Grabe, imagine? Natapos namin ang madugong senior year? >__<

Si Popoy na lang talaga ang kulang!

Nag-prayer na tapos kumanta ng National Anthem, then Opening remarks, dance number, speech then dance number ulit.

Nae-enjoy ko naman since good mood ako. Siguro importante lang talaga yung pinuntahan nina Popoy. Kasama naman niya si Tita Ezra eh.

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon