Chapter 27

1.6K 17 1
                                    

[Chapter 27]

 

**Popoy’s POV**

Ganito pala ang feeling kapag inlove ano? Parang lumulutang. Bwaha.

Pagka-gising, habang kumakain, habang nanunood ng TV, habang nagdo-dota, habang nagka-klase, bago matulog at pagka-gising ulit, iniisp ko siya.

Overdosed na nga yata ako kay Kim eh. Haha!

Tatlong buwan na rin akong nanliligaw at sinusuportahan ako ng tropa at nanay ko. Botong-boto naman si Mama sa kanya eh.

Hindi ako nagsasawa sa paghi-hintay sa kanya. Kaya ko naman mag-hintay, kahit sa graduation niya pa ako sagutin. Pero pwede ring ngayong Pasko na, malapit na rin naman. Haha.

Masarap pala sa paki-ramdam. Minsan nga kahit may ka-away kami eh nakangiti lang ako. Bangag.

Dahil din kay Kim, Hindi na ako masyadong warfreak. Natuto akong mag-kontrol. Kapag may trespasser na lang tsaka kami napapa-away. Di naman niya ako pinagba-bawalan kasi alam niya raw kung gaano kasarap ang pakiramdam ng nakaka-sapak. Astig haha!

Kanina lang, nag-text siya. Pasyal daw kami. Di naman ’to nagyayaya dati eh. Kaya pumayag na ako. Sinundo ko siya sa may gate ng village nila. Baka makita ko pa si Ace eh.

”Uy!” Kinulbit niya ako.

”Uuuuuuuy” Tapos nag-high five kami.

”Saan tayo?” Tanong ko habang nagla-lakad kami papunta sa motor ko.

”Hmmm..” Nagi-isip siya habang sinusuot yung helmet niya.

”Gusto mo bang.. mag-CAR RACING??”

”Huh?”

”CAR RACING!” Naka-ngiti siya nang todo.

”Marunong ka?” Tanong ko. Meron pa bang hindi alam ’tong babaeng ’to?

”Naman! Magyayayaba ako kung hindi? Tara dali! Ang matalo dun mangli-libre sa school bukas! Haha!”

”Haha. Trip mo ah.” Umangkas na kami sa motor ko tapos tinuturo niya yung daan. Nagpa-kahirap pa ako eh sa loob lang pala ng village nila yung car racing camp.

Konting drive lang, nandun na kami. Bumaba siya at tumakbo papunta sa loob.

”Kim!! Antagal mo ulit hindi nag-punta rito ah!!” May sumalubong sa kanya, mukhang yung may ari nito.

”Yes Sir Gilbert! Nakaka-miss! Busy sa school eh, nga pala! May kasama ako!” Tapos hinila niya ako.

”Si Popoy po! Magra-race kami.”

”Ooooh.. Sandali lang. Antay na kayo sa field. Ipapa-handa ko ang kotse niyo.”

Hinila ulit ako ni Kim. Excited ’to masyado ah?

”Mabilis ka ba mag-drive?” Tanong niya.

”Bakit, ikaw ba?”

”Try me. Haha!”

Naka-rating na kami sa field at sumakay na sa mga kotse.

”Paki-lagay ng seatbelts!!” Sigaw ni Sir Gilbert.

Pumwesto na yung babae na may hawak ng flag na magiging signal na simula na. Hmm, mukhang makaka-libre ako ng lunch bukas. Bwahahaa.

”Handa mo na pera mo..” Sabi ko kay Kim habang naka-dungaw sa bintana.

”Haha! Baka ikaw! Mauubos ko yan!”

Nag-bilang na yung babae at..

“GO!!!”

Pagka-wagayway nung flag, humarurot na kaming dalawa.

Aba, ako ang pinaka-mabilis mag-drive sa tropa pero hindi ako maka-layo kay Kim!!

Malapit na kami sa unang turning point. Hmm, kailangan ng malakas na binti para dito. Siguro lalamang na ako, kailangan ng drift dito eh.

ako yung malapit sa wall kaya ako ang unang nag-drift. Humarurot ako.

At akala ko naiwan ko na siya, seconds later, kadikit ko na naman siya.

Tumingin ako sa kanya at binelatan niya lang ako.

”Ah, ganun ah?” Mas binilisan ko pa, ang diin na ng tapak ko, nanggi-gigil na ako! Haha! Kung sa highway to, nahuli na kaming dalawa.

Nung maka-tatlong turning point na kami, nakita ko na yung finish line.

At as expected, naka-rating kamisa finish line nang sabay. Walang labis, walang kulang.

Bumaba na kami. I enjoyed that.

“Galing natin.” Kinuskos ko yung ulo siya.

Nung nagla-lakad kami palabas, tahimik lang siya. Bakit hindi siya madaldal ngayon?

”Uhhh, may problema ka Kim?”

”Ah? Wala ah.. Naisip ko lang.. Sana ganun din tayo..” Ngumiti siya....?

”Katulad ng alin?” Parang ang lungkot niya..

”Nung mga kotse kanina.. Sana tayo rin...

Magka-sama hanggang sa finish line..”

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon