[Chaper 44]
**Popoy’s POV**
”Ano? Lalaban pa kayo? Ha? Ha? Ha? Tayo!! Ano? HA??!!” Pa-ulit ulit si Louie.
”Ugok. OA ka na. Tara na, dadating na prof natin.” Nag-pagpag na kami ng uniform tapos dumiretso na sa university. Sa UP kaming lahat naga-aral. Second year college na kami ngayon, kasisimula lang ng second week.
Katatapos lang namin sa isang riot. Naging active na ulit ang gang namin this year since wala na naman akong priorities bukod sa Mama ko, pag-aaral at ang grupo namin. Hindi naman naa-abala ang paga-aral ko eh.
At akalain niyong lahat kami naka-pasa sa UP?
Engineering kinuha ko kaya five years ako sa college. Si Christian naman Archi. Si Dex, dinala ang pagka-adik sa computer. ComSci siya. Si Louie naman, nag-Nursing. Ang walangyang yun. Haha! Si Enzo at Kurt, Law. Buti nga nagkaka-oras pa sila sa’min. Mabigat yung course nila eh, kaya naiintindihan namin kung hindi sila nakakarating.
Mas seryoso na kami sa mga bagay-bagay ngayon at siguro mas nag-mature na rin. Oo, nag-mature si Christian kahit papaano.
Going strong pa rin si Christian at Shayne. Sina Ciara at Kurt naman magf-five months na. Lahat sila may mga girlfriend.
Ako, sinabi ko na. Tama na ang isang beses akong naloko. Tama na yung ilang buwan akong naging lasenggo. KJ na kung KJ. Wala na akong interes dun ngayon.
Si Mama naman, okay lang. Minsan sumisikip ang dibdib pero bihira na. Mukhang ina-alagaan niya nang mabuti sarili niya. Nakaka-inis lang kasi palagi siyang may ginagawa na nagpapa-alala sakin kay Kim. Minsan kinu-kumusta niya sa’kin. O kaya ipa-pakita yung pictures namin dati. Tinapon ko na yun pero pinulot niya pa rin. Nakaka-inis.
Wala na rin akong communication sa magulang ni Kim. Hindi ako nagpu-punta sa village nila. Hindi ko sila kinukumusta.. Basta.. Simula nung nalaman kong iniwan ako ni Kim, lumayo na rin ang loob ko sa kanila.. Kahit na wala naman silang kasalanan.. Wala naman akong galit sa kanila eh. Kung magki-kita man kami, edi okay lang.
Hindi ko siya naka-limutan pero yung pagmamahal ko? Napalitan na ng sama ng loob.Kung ano man ako ngayon, siya ang may kasalanan nito.
Sila nung lalaki niya.
”Sige ’tol. Kita tayo mamaya.” Humiwalay na sila. Kami lang ni Christian ang pareho ng building.
”Iba subject ko ngayon ’tol. Kita tayo mamaya. Mang-libre ka. Haha!” Tumakbo na siya sa kabilang hallway.
Nag-lakad lang ako papunta sa room ko. Malaki naman sa UP eh. Parang dati sabay kaming nag-exam dito..
Teka. Bakit bigla na namang napasok sa isip ko yun? Dati naman wala na yun ah? Ugh. Si Mama kasi.
Pumasok ako sa room. Usual scene, maingay. Akala ko nga noon iba na ang environment pag college. Yun pala halos pareho lang.
”Yo, Bro!” Bati ni Sue. Kaibigan ko rin.
”Uy.”
”Alam mo ba kung bakit maingay ngayon?”
”Lagi naman kayong maingay eh.”
”Ulol. Basta!”
”Oh, bakit nga?”
”Kasi, may bago tayong magiging kaklase! Dapat daw last week pa siya papasok eh nagka-problema kaya this week na lang.”
“Oh, tapos?”
“Chick daw pare. WHOOOOOOOO!” Nag-sigawan lahat ng lalaki.
“Haha! Mga g*go. Babae lang yan.” Pagka-sabi ko nun, pumasok na yung prof naming. Lahat sila, sumilip sa pintuan. Ina-abangan siguro kung may papasok na “chick”
“Oh prof!! Asan na yung new student!!”
“Haha! Kala niyo kasama ko na? Hindi pa ngayon eh. Siguro bukas pa.”
”Aaaaaaaaaaaww.”
Mga ’to talaga. Basta babae hindi papa-huli. Ano bang meron? Eh babae lang yun. Ang dami namang babae sa block namin. Parang mga sira.
”Gayahin niyo si Mr. Marques, tahimik lang! Ganyan ang type ng mga babae ngayon!” Sabi ni Prof. Jerry. Mas nakaka-ride siya sa’min kasi 27 pa lang naman siya.
Lahat sila tumahimik at ginaya yung posisyon ko. Nakapatong yung dalawa kong siko sa sandalan ng upuan ko, naka-sandal din ako.
Napa-tawa na lang ako.
”Trust me, maganda yung bagong student. Nakita ko. Tapos ganito!!” Pinakita ni Prof yung shape ng katawan ng babae. Sumipol naman si Sue.
Tsk. Mga manyak. Humanda na lang kung sino man yung babae na yun.
We’ll see kung pwede siyang pag-laruan.
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.