[Chapter 8]
**Kim’s POV**
”Hi Kim!”
”Good Morning Kim! Na-miss ka namin!”
”Ohayo!”
Bati ng mga classmates ko.
“Good Morning din!” Umupo na ako sa upuan ko, tapos nag-lapitan din nung mga close friends ko. Tatlo lang naman kami eh, Ako, Si Shayne at si Ciara. I told you, bilang lang ang mga ka-close ko. Yung iba, acquaintances lang. Silang dalawa yung sinasabihan ko talaga ng secrets. Mahirap din kapag sikat ka.
Kasi, isang back-stab lang sayo, sira kaagad lahat-lahat tungkol sa’yo.
Pero hindi ko naman masyadong pine-pressure ang sarili ko. Nagka-taon lang na si Shayne at si Ciara lang ang nagpaka-totoo sa’kin. Karamihan kasi, plastic. They want my popularity. Didikit lang sila para sumikat din sila.
So what kung hindi ako kasing-bait nila? Kung magpapaka-plastic pa ako, anong mapapala ko? Gusto kong maging totoo. I don’t need to pretend to be someone who’s not me. Kung hindi nila kayang maki-ride sa ugali ko, then go! Tapos bino-boto pa rin naman nila ako sa top personalities ng campus. Ugh.
Dapat kasi, kinikilala muna ang isang tao bago magsabi ng kung anu-ano.
Naka-away ko pa nga sina Shayne at Ciara noon. Pero dahil din sun kaya naging bestfriends ko sila.
”Waaaaaaaaaaaa!! Ang tagal mong nawala girl! Wala akong kalandian! Na-miss kita ng sagad!” Niyakap ako nang mahigpit si Ciara.
”Aww, Aww! Kalalabas ko nga lang eh, pwedeng pahingahin mo ako? Haha! I missed you too lukaret ka.” Nag-group hug kami.
“So, kumusta naman? Okay ka na ba talaga? Kinabahan ako nung nahimatay ka! Mamatay-matay na akos a kaba nun!”
”O.A. ka Ciara ha. Haha! Okay na ako, see? I’m back to my old self. Hindi ko pa nga lang magagawa yung mga bagay na ginagawa ko dati. Kailanan ng rest.”
“Aw, di tayo makakapag-stroll!” Ciara pouted. Okay, siya na magaling mag-pout. Haha!
“Pero Cia! Alam mo ba kung anong latest?” Ayan na naman ang radar ni Shayne. Hay.
”’Ano Ano Ano Ano??” Excited na sagot ni Ciara.
”Dumalaw si Israek Marques kay Kim sa ospital! AHHHHHHHHHHH!” Sabay silang umirit. Nakuuuuuuuuuu! Kapag kami na-detention dito +____+
”Waaaaaaaa!! Are they in a relationship?”
“Malapit na----“ Binatukan ko si Shayne.
“May sinabi ba akong ganun? Tigilan niyo nga ako!
“Bakit ba? He’s so good-looking kaya! Pati yung group of friends niya!” Sabi ni Ciara. Argh, mga avid fan oh.
Tapos ayun, nagsalita na sila ng mga bagay na hindi ko maintindihan. Puro Popoy at Kim lang ang naririnig ko. Argh.
”Okay lang yan! Malay mo, magka-love life ka na ngayon Kim! Haha!”
“Sige, ipa-mukha niyo pa sa’kin. Bwisit.” Kailangan talaga sasabihin pa yun eh.
So what kung never pa akong nagka-boyfriend or ka-M.U. man lang? Hindi naman ako mamamatay kapag hindi ako nagka-roon nun.
Tapos sabi nila, ang boring daw ng high school life ko. Well, hindi naman ah! Commitment lang naman yun ah, pwede kang magmahal kahit hindi kayo commited sa isa’t-isa!
Yun nga lang, kahit M.U. wala akong experience. Seriously, hindi namin alam kung bakit hanggang ngayon wala pa.
Hindi naman sa pagyayabang pero ako na nga ang pinaka-maganda sa campus, top pa sa hottest personalities sa campus. Yet, no one dared to court me or at least confess to me.
Siguro natatakot sila sa’kin? O dahil sa sobrang kasikatan ko, they only see me as an inspiration, a person to be admired.
Minsan nga hini-hiling ko n asana ordinaryo na lang ako. Gosh, kahit naman ganito ako, gusto ko pa ring maranasan ma-inlove habang maaga pa!
Nakaka-O.P. kaya kapag napapaligiran ka ng may mga love life, tapos ikaw, loner! I feel greatly isolated! Lalo na kapag may dates sina Ciara at Shayne tapos hindi nila ako masasamahan, It sucks bigtime!
“Basta! I can feel it!! Haha! Kami na ang founder ng fans club niyo! Kim + Popoy = KimPoy! Haha!! Parang tumblr lang!”
“Whatever. Sumasakit ang ulo ko sa inyo.” Umubob ako sa desk. Hay! Mas loka-loka pa sa’kin ’tong mga ’to.
Ano daw? KimPoy? Argh. Cute!
Ay este, baduy pala. >____________<
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Novela JuvenilMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.