Author’s Note:
Dears! Sorry sa hindi paga-update, this week, baka di na ulit ako makapag-update muna, exams week na naman eh. Waaaa! Wish me luck sa Trigonometry at Pre-calculus, at sa Accounting. Badly needed! >O<
Sorry po kung tatlong chaps lang ang nakayanan ko ngayon, may gagawin pa po kasi ako. Babawi po ako!!
So ayun, feel free to comment or drop your pint of views in my message board. Thank you! Godbless ^_____^
Dedicated sa 100th fan. Haha! So happy ^O^
********************************************************************
[Chapter 23]
**Popoy’s POV**
“Ano?! Sigurado ba kayo dyan?” Tumango lang sila. Seryoso sila.
”Naloko na.”
”Anong balak mong gawin?” Tanong ni Kurt.
”Kailangan nating balaan si Kim. Wala siyang kaalam-alam na kaaway natin ang kinakaibigan niya!” Kahit hindi naman talaga yata namin kaaway. Pero kahit na!
”Paano? Eh mukhang close na sila eh. Baka hindi siya maniwala satin!” Sabi ni Christian. Oo nga..
”Nasa kanya na yun kung sino ang pipiliin niya. Basta ang mahalaga, mailayo natin siya sa lalaking yun! Langya, umaatake habang naka-talikod tayo! Pambihira naman oh!!” Napa-hampas ako sa lamesa sa inis ko.
”Chill bro. Eh paano kung, hindi naman talaga masama yung si Ace? I mean, wala naman siyang ginagawa kay Kim di ba? Masaya pa nga daw siyang kasama eh.” Singit ni Enzo.
”At tsaka, hindi naman talaga ka-away ng grupo natin yung sina Ace. Hindi nila tayo nire-resbakan. Siguro pwede namang hayaan na lang muna natin?” Sabi ni Louie.
Ano? Pabayaan? Baliw na ba sila?
“Naririnig niyo ba yang pinagsasasabi niyo? Aren’t you thinking about Kim’s safety?”
“Tol naman, syempre we want her safe! Pero ang sinasabi naming, matagal na ring kinu-kwento ni Kim si Ace sa’tin. Wala namang nangya-yaring masama so far. I think Ace is also trying to protect Kim! Tandaan mo Popoy, teritoryo ng grupo ni Ace ang village ni Kim..” Christian explained.
”Oo nga, atsaka kung iniisip mo naman na ginagamiw nila si Kim para pang-blackmail sa’tin, dapat dati pa nila ginawa at hindi na pinatagal, since huling-huli na ni Ace ang loob ni Kim.” Sabi naman ni Dex.
AT talagang lahat sila eh taliwas sa’kin?
Hindi naman kasi nila nararamdaman yung nararamdaman ko! Pakiramdam ko, hindi talaga mapagkaka-tiwalaan yung Ace na yun!
”Basta hindi maganda ang kutob ko sa lalaking yun! C’mon. We’ll go to Kim’s place.”
“Pare.. Isipin mo munang mabuti..”
“Ano pa bang iisipin ko? Baka may masamang motibo yung si Ace!”
”POPOY ano ba!! Praning ka lang eh!! Natatakot ka ba sa sinabi ni Ace sa’yo nung laban natin sa lumang warehouse?!!” Sinigawan ako ni Christian.
Natigilan ako. N-narinig niya yun?
Mukhang si Christian lang ang may alam nun. Mukhang nalilito rin sina Enzo eh.
”H-hindi ah.. Naga-alala lang talaga ako kay Kim.”Pambihira naman!
“Talaga lang ha?”Lumapit sa’kin si Christian at bumulong. “Aminin mo na kasi. You’re into her.
”Lumayo ka nga sa’kin!!” Tinulak ko siya, tumawa lang siya.
“WHAT NOW??!!” Sinigawan ko siya.
“Walang pupunta kay Kim. We’ll have a boys’ talk. Guys, i-gapos niyo si Bossing. Punta tayo sa clubhouse. I’ll go get some drinks.”
Agad namang pumunta sa’kin yung apat at hinawakan ako, kinaladkad pala.
”Putek naman! Bitawan niyo ako! Ano bang gagawin niyo ha? Pag ako naka-wala may bukol kayo sa’kin!!” Tumawa lang sila at tiluloy ang paghila sa’kin.
Bakit ba hindi ako makawala ngayon? Argh. Weak.
Habang kinakaladkad ako, paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang sinabi ni Ace noon. Such an annoyance. Nagi-init ang dugo ko.
”I’ll get that gorgeous girl from you. Till then.”
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.