Chapter 36

1.7K 21 4
                                    

Kharu’s Corner:

Ayan, medyo nawawalan na ulit ako ng pan-dugtong haha! Pero ending meron na. Abnormaaaaaaaal.

Basta kung anong maisip ko, yun po ang nilalagay ko.. pAg-pasensyahan niyo na po.. Haha!

Pero hindi ko po intensiyon na madaliin ang storya ah? Ganito lang po talaga ang takbo na puma-pasok sa isip ko.. Haha! Kung magfa-fast forward man po tayo, please just bear with it.. Hindi naman noon maa-apektuhan ang story.. ^O^

Advance Merry Christmas!! Ang lamig na!

********************************************************************

[Chapter 36]

 

**Kim’s POV**


Time flies so fast..


Parang nung isang araw lang, first month pa lang namin ni Popoy..


Lumipas ang Pasko at New Year, at ito yung pinaka-masayang Pasko at Bagong Taon na dumaan sa buhay ko..

Kasama ko siya, marami na akong kaibigan.. Walang araw na hindi niya pina-ramdam sa’kin na mahal niya ako..


Kahit ‘di niya sabihin, alam ko.. At dahil din doon..


I learned to love him even more every other day..

Akala ko todo na yung pagma-mahal ko sa kanya..

May ito-todo pa pala.. Parang aapaw na? Wala na akong mapag-lagyan..


Masayang-masaya talaga ako.. Sobrang thankful na binigyan pa ako ni Lord ng pagkakataong sumaya.. ng sobra-sobra..


Kaya nga ngayon, mas natutunan ko nang pahalagahan yung mga oras na kasama ko sila..

Kung pwede lang na bawat galaw nila kukuhanan ko ng video para lang mai-treasure yun..

Kung pwede lang sanang burahin nang biglaan ang sakit ko.. Para hindi na ako nag-iisip nang ganito..


Bakit ko ba kasi masyadong iniisip ’to? Wala namang mali sa’kin.. Pero paki-ramdam ko pwede akong mawala anytime..

Lately nagiging sobrang ma-drama na ako. Naiinis na nga rin ako sa sarili ko eh. Minsan tuloy nawi-weirdohan na si Popoy sa’kin, kesyo minsan masyado akong sweet o maingay o makulit..


Ganito lang siguro talaga ang feeling kapag alam mong nasa gitna ka na lang..


Mahirap mag-panggap na okay lang talaga ako, lalo na at madalas na naming maka-sama si Ace..

Parang sa tuwing sasabihin ni Popoy na mahal niya ako, mas lalo akong nahihirapang kumuha ng tyempo na sabihin sa kanya..


Mas lalo akong nagi-guilty..

Kaya wala akong magagawa kundi alagaan nang mabuti ang sarili ko..

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon