Chapter 53

1.4K 23 1
                                    

[Chapter 53]

**Kim’s POV**

Huling araw ng pagsa-saya. Bukas, sasabak na ako. Hay. Bless me, Lord..

Sunday ngayon, kaya napagkasunduan namin ng pamilya ko na magsisimba kami, tsaka family day.

Eh nasurprise naman ako, kasama pala namin si Popoy at si Tita Ezra.

Habang nasa simbahan kami, ramdam ko na buong-buo talaga ang pamilya ko.. Masaya kasi sama-sama kaming nandito kaharap si God..

Pinagda-dasal ko talaga na may magandang effect yung chemo ko bukas.. Sigurado akong yun din ang pinagda-dasal ng lahat..

Hindi naman kasi talaga maiiwasang maisip yung mga negative possibilities di ba? Yun na lang ang magagawa eh, magdasal..

Pagka-tapos namin sa simbahan, nag-lunch kami.. Tapos namasyal sa mall. Syempre, hindi pwede masyadong mapagod..

Masaya rin yung lunch namin kasi ang dami namin sa table! First time, madalas kasi tatlo lang talaga kami. Haha!

”Kim, we’ll be leaving you and Popoy. Aasikasuhin pa naming yung gagawin bukas.. Gustong sumama ni Tita Ezra mo. Popoy, kaw na bahala kay Kim okay?” Sabi ni Daddy.

“Sige po, Tito.” Tapos umalis na sila, naiwan kami sa may food court.

“Well, another “US” time!!!” Sabi ko, tapos inakbayan ako ni Popoy. Hanggang 8PM curfew namin.

Nag-libot lang kami sa mall. Lahat ng madaanan naming food stalls, binibilhan namin (ko). Nag-arcades din kami. Talo ako huhu.

Kung madami lang siguro kaming pera, magkaka-yayaan pa kaming mag-computer games. Haha!

”Saan mo gusto mag-dinner?” Tinanong ako ni Popoy. Ayaw na naming lumabas ng mall para kumain, wala kaming dalang kotse. Haha!

Kumain na lang kami sa Gerry’s.

Nung maka-upo kami sa table, tahimik lang siya.

”Gagalingan mo bukas ah..”

”Para naman akong lalaban sa contest niyan..”

Tiningnan niya ako ng seryoso..

”Okay, gets ko.. Syempre naman, magiging malakas ako.. Kahit na hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko.. Lalaban pa rin ako.. Iisipin ko lang sina Mommy at Daddy, yung barkada, si Tita Ezra, tapos ikaw.. Sigurado mawawala na ang takot ko. Magp-pray din ako ng napaka-raming beses..”

”Good. Just.. Just promise me.. Hindi ka papatalo..”

”Syempre!” Pinilit kong maging masaya yung tono ng boses ko at ngumiti ako kahit masakit na yung lalamunan ko sa pag-pigil ng iyak ko.

Ngumiti siya, pero alam kong sobra-sobra ang paga-alala niya..

Ang hirap-hirap magpanggap na malakas ka sa harap ng taong mahal mo..

Busy siyang pini-picturan ako habang kumakain..

”Musta na nga pala si Ace?” Nagulat ako sa tanong niya.

”H-hindi ka na galit sa kanya?”

”Para saan pa? Eh nasa akin ka na. Bwaha.”

“Baliw. Haha! Okay naman siya, masaya love life nun, oy!”

“Haha! Bakit, mas masaya naman yung sa’kin eh. Di ba?”

“Tss. Tama na nga! Nami-miss ko lang siya..”

“Ganun? Kasama mo na nga yung boyfriend mo, may nami-miss ka pang iba..”

“Drama mo!!” Binato ko siya ng tissue.

“Haha! Siguro dapat bisitahin natin siya sa Korea kapag may oras tayo..” Natulala ako sa sinabi niya.

“Ano??”

“Ay, bingi.”

“TSE!! Ang ibig kong sabihin, seryoso ka?”

“Ayaw mo yata eh.”

“Aba syempre gusto ko!! Promise yan ah? Naku! Matutuwa yun!”

“Pero dapat, pagaling ka muna.. Para wala ng limitations ang pwede mong gawin.. Oks?” Pinat niya yung ulo ko.

“Mm-kay!”

“Good girl. I love you.” Tapos pinunasan niya yung dumi sa pisngi ko.

“I love you, too.” I smiled sweetly.

Lord, pwedeng humiling ulit? Don’t take me away from him.. Or at least not now..

Siguro, mga after 50 years na lang! 70 years? O baka pwedeng wag na lang Lord.. Hindi ko po yata kakayanin kapag nahiwalay ako sa kanya. I love him very much..

He’s my weakness.. But he’s also my strength..

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon