Kharu’s Corner:
Nga po pala, since we are counting down the last chapters (T___T) magkakaroon na po tayo ng time travel sa ilan sa mga chapters. Haha!! PEro hindi naman yung OA syempre.. kumo-quota na yung story! Mahaba na XD (para sa’kin)
Salamat po sa lahat, lovelots!!
********************************************************************
[Chapter 51]
**Popoy’s POV**
Masaya ako kasi napapasaya ko siya.. Nung 19th monthsarry namin, sobrang natuwa siya sa ginawa ko.
Syempre, hindi naman natapos doon. Nung uwian, nag-dinner pa kami, mag-kasama pamilya namin. Namiss daw ni Mama si Tita Yna. Ayun, may sariling mundo na naman sila. Naaawa na nga ako kay Tito Paolo eh. Palaging walang kausap. Haha!
Nags-stargazing kami ni Kim ngayon..
”Popoy..” Sabi niya habang naka-pikit at naka-sandal sa dibdib ko.
”Yeah?”
”’Di ka ba napapagod? Sa paga-alaga sa’kin at pagpa-pasaya? Sabihin mo lang...”
”Tss. Ano ka ba. Syepmre hindi. Kahit maghapon pa kitang asikasuhin, ’di ako mapapagod..”
Ilang beses nang nag-collapse si Kim habang nasa campus kami o kaya kapag nagp-party kami sa clubhouse. Kung hindi lang siya mapilit at kundi lang siya sumasaya ng sobra kasama ang barkada, hindi ko na siya isasama sa mga gimik namin.
Dalawang buwan na rin simula nung nagka-ayos kami. Hanggang ngayon, hindi ako makuntento sa mga ginagawa ko siya..
Naa-adik ako sa mga ngiti niya, it makes me want to wish for more.
Siya yung nagbi-bigay ng lakas sa’kin eh. At sana ako rin ang nagbi-bigay nun sa kanya.
”Hindi nga? Sabihin mo lang kapag pagod ka na ah?” She smiled faintly..
Nararamdaman ko naman eh.. Hindi ako manhid at ayokong magtanga-tangahan kahit alam kong hindi biro sakit ng girlfriend ko.
Ramdam kong unti-unti, nanghihina siya.
Mas maputla siya, pumapayat din kahit ang takaw-takaw na niya.
”Hindi nga sabi... Kulit mo..” Pinisil ko ilong niya. ”Kapag nabilang mo na lahat ng stars na nandyan sa langit, dun lang siguro ako mapapagod.”
”Eh loko ka pala.. ’Di ko nga mabilang buhok ko, yan pa kaya?”
”Oh, yun pala eh. Kaya hindi nga ako mapapagod. To infinity and beyond nga. Haha!”
“Hmp. Manggagaya!” Tumawa kami.
“Kim..”
“Uh-huh?”
“Hindi mo pa ba planong.. Magpa-chemo??”
Natahimik.
Umiling siya..
“Ayoko muna..” She faintly whispered.
Nagagalit ako.. Nagagalit ako kapag naiisip kong unti-unti.. Kinukuha na siya nung sakit niya sakin..
“Bakit naman? Akala ko ready ka na?”
”Oo nga.. Pero mas gusto kong kasama kita..”
”Kasama naman kita kahit nandun ka eh..”
”Kita mo? Napapagod ka na nga.. Tinataboy mo na ko..” Nag-pout siya.
”Yan ka na naman oh.. Syempre, gusto ko gumaling ka na.. A-ayokong....”
”Shhhh. Wag ka maingay..” Tinapat niya daliri niya sa bibig ko.
”Pinipilit din naman ako nina Mommy eh.. Pati si Doc.. Kasi alam mo naman nung huling check up ko diba?”
Kasama ako nung huling check-up niya.
Nakita ko kung gaano kaseryoso yung pinagda-daanan ng taong mahal ko. Kumikirot yung dibdib ko kapag naa-alala ko. Bwisit.
”G-give me... 1 week.. Naka-schedule na yung therapy ko dun.. Pina-ayos ko na kay Doc. Naisip ko na rin naman yan eh.. Bigyan niyo lang ako ng one week Para ma-enjoy ko yung panahon kasama kayo.. Please?”
“*sigh* O-okay.. Basta pagkatapos ng one week, diretso tayo sa hospital okay? Habang nandun ka, hindi muna ako papasok sa school.”
“Tsk! OA mo! Pumasok ka pa rin! Maa-abala studies mo!”
”EH anong gusto mo? Hayaan kita doon? Tsaka, hindi rin ako makakapag-isip nang maayos kapag alam kong nasa ospital ka!!”
”Tss. Kaw naman, magtiwala ka sa girlfriend mo. Malakas yata ako! Kakayanin ko yun para sayo, para sating dalwa. Promise yan.”
”Sigurado ka?”
”Of course. Mahal kita eh!”
”Siguraduhin mo lang na babalik ka nang masigla..”
”Pero.. k-kung sakali... Kung sakaling mag-fail yung gagawin.. At m-mawala ako.. Anong gagawin mo?” Napa-yakap na siya sa’kin.
”Siguro.. Wala..”
Hinampas niya ako.
”Aray! Ano ka ba.. Wala.. Wala siguro, kasi susunod ako sayo kaagad.. Kahit saang mundo pa ’yan..”
She nodded.
”Thanks.. Tulog muna ako ha? I love you.”
I kissed her head.
“I love you too. Sweetdreams.”
Nakita kong himbing na siya.. Ang gandang tingnan kapag ganito kapayapa yung mukha niya.
Pero kapag ganito, natatakot ako na baka sa sobrang himbiong at payapa ng tulog niya..
Hindi na siya magising pa..
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.