Author's Corner:
Hello guys and gals! Salamat po sa nagbasa at na-check nito. Sana po magustuhan niyo ang flow ng story, pagbubutihin ko rin as much as I've worked hard on my previous works. Godbless!!
*************************************************************************************************************************
[Chapter 2]
**Kim’s POV**
I never thought I would enjoy a stranger’s company.
Sandali pa lang kaming nagkaka-usap pero sobrang komportable na akong kausap siya, though wala akong alam sa kanya bukod sa pangalan niyang weird. ^___^
Eh kung ganito nga naman ka-good looking ang stranger, why not? Haha!
”Poy, may tanong ako.”
”Ano?”
”Popoy ba talaga ang pangalan mo?” Duda kasi talaga ako. Haha!
”Hindi.” I knew it!!
”Eh anong tunay mong pangalan? Full name na.”
“Israel Marques.”
Eh??
“Israel?? Popoy? Ang lapit ha?? Saan naman nahugot yung Popoy?” Kung makapag-react ako, kala mo close talaga kami eh no. Haha!
Namula siya bigla. OmO
”Dali naaaaaaaaa!! Sabihin mo na!!!”I’m dead curious! Haha!
”Wag na. Nakaka-hiya..”
“Pfft. Mas nakakahiya pa ba sa pag-sabi kong may diarhhea ako?” Crap, inulit ko na naman.
He sighed.
”Kasi, nung bata ako.. Paborito ko daw yung.. Yung Popoye the sailorman..”
SERIOUSLY???
“O-oh?? T-tapos??” Grabe na!!! Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang pigilin ang tawa ko. I don’t want to offend him. Haha! Mas mukha pa siyang constipated kesa sa’kin! XD
“Ayun.. Palagi ko daw.. Kinakanta yung kanta nun.. Tapos.. Imbis na Popoye… Popo yang sinasabi ko.. Kaya yun ang tinawag nila sa’kin..” Mahina niyang sabi. I even heard him cuss. Haha!!
It’s really funny! Kung pwede lang humiga sa sahig kakatawa ginawa ko na. But he look so cute while blushing!! Kanina lang mukha siyang astig at cool, ngayon.... No comment haha!
“Hindi ka ba tatawa? Hindi mo ako tatawanan?” Tanong niya. Naku, kung alam mo lang. XD
”There’s nothing wrong with uhmm.. Popoy. Cute naman eh! Haha!” Nag-blush ulit siya. Haha!!
“Eh ikaw, full name mo?” Tanong niya.
“Ah, Kimberly Joyce Tiangco.”
“Tiangco?”
“Yup ^___^”
“Tiangco?? As in.. Masakit ang TIANGCO??!! PUHAHAHAHAHAA!!!” He’s laughing like there’s no tomorrow. =____=
Pagkatapos kong pigilan ang tawa ko kanina, eto lang?
“Hey!! Wag mong babuyin ang last name ko! Bwisit ka!”
“S-Sorry!! Haha! Hindi na, hindi na talaga.. ahaha!” Pinakalma niya ang sarili niya.
”Hmpf.”
”Sorry na, haha! Nga pala, kelan ka raw makakalabas?”
”Hindi ko pa alam eh.. Wala pang update ang doctor ko.”
”Eh gaano katagal ka na ba rito?”
”Magwa-one week na siguro..”
”Ang tagal mo na pala? Kaya pala ang putla mo na.”
Aww.. Maputla na ba talaga ako? T___T
”Edi ang tagal mo nang absent?” Tanong niya.
”Obvious ba?”
”Sabi ko nga. Haha! Anong year mo? Saang school?”
”Senior, Eastmead High..”
”Oh? Pareho tayo!! Section mo?” Pareho kami? Bakit di ko siya nakikita??
”IV-2, ikaw? Ang galing!!”
”Aww. IV-4 ako eh.” Kaya pala, hindi naman ako gala sa campus.
Tumingin siya sa orasan.
”Hey, Kimmy. Tanghali na pala, Kailangan ko nang umuwi, baka nandun na si Mama. Uhh.. Bibisitahin na lang kita rito kapag may time ako, para hindi ka naman lonely. I had a great time. Salamat.” We shaked hands and he headed to the door.
“Uhmm.. Kim?”
“Yes?”
“Tawag ka ng nurse kapag sumakit yung TIYANMO ha?? HAHAHAAHA!!!” Tumakbo siya palabas.
LALAKING YON?? UGH!! Bakit ko kasi sinabing may diarrhea ako!
Napangiti na lang ako nung ma-realize kong mag-isa na lang ulit ako sa kwarto. Ilang linggo na ko rito, pero ito pa lang ang pangalawang beses na may bumisita sa’kin. Una, nung hinatid ako rito pagkatapos kong mag-collapse sa school.
Bilang lang din ang mga ka-close ko sa school. Tapos busy ang lahat doon palagi.. No one has their time for me.
Pero si Popoy, ni hindi ako kilala.. Within an hour, he became one of those few persons who knows me.. The other side of me.. The real me.
Siguro, kapag nagkita kami sa school, maninibago siya sa ugaling ipapakita ko. Pero mukhang matatagalan pa ako rito eh. *sigh*
Till then, I’m looking forward to seeing him again.
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.