Author's Corner:
Sorry po sa late update, naging busy lang. At kung maikli man ito, pasensya din. Antok na ko talaga TT__TT
Godbless! ^______^
*********************************************************************************************************************[Chapter 6]
**Popoy’s POV**
”Alis na ko, Ma.” Hinalikan ko si Mama sa pisngi tapos lumabas na ng bahay.
”Ingat ka.” Sagot ni Mama.
Lunes ngayon, may pasok na naman. Putek, akala ko hindi ko matatapos yung tatlong project na dapat kong gawin! Mabuti na lang natapos ko lahat.
Hindi pa nagpa-pakita sina Christian sa’kin ah, masyado yatang natakot? Hindi ko tuloy makutusan. +___+
Si Kim kaya, papasok na? Hindi ko pa ulit siya nabibisita. Kumusta na kaya siya? Siguro naman naka-labas na yun? Ibang klaseng diarrhea naman yun kung hanggang ngayon confined pa rin siya.
Binabati ako ng lahat ng maka-salubong ko habang palabas ako ng village. Kilala naman nila akong lahat eh.
Parang wala tuloy pinagka-iba yung mga eksena sa school at eksena dito sa village kapag dadaan ako.
Kilala rin naman ako sa campus. Palagi akong nakakahabol sa rank 1 sa top list of personalities ng campus. Hindi ko lang ma-alala kung sino yung palagi kong adikit sa laban. Hindi ko pa yata siya nakikita eh.”’Tol! Lalim ng iniisip mo! Anong meron?” Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Kurt.
”Uy ’tol! Musta na?” Nag-high five kami.
”Okay naman, balik skwela na haha!”
”Eh yung iba, bakit ’di mo kasama?” Tanong ko.
”Eh ayaw nila eh. Mga KJ.””Talaga naman haha! Tara na.”
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.