Chapter 49

1.5K 23 8
                                    

Kharu's Note;

Happy New Year!! Eto na ang New Year gift ko senyo. Pag-pasensyahan na ! XD

***********************************************************************************************************************

[Chapter 49]

**Popoy’s POV**

Sunday afternoon.

Pupunta ba ako? Alam kong naghi-hintay na si Kim sa likod ng clubhouse sa mga oras na ’to..

Takot na akong maloko, nadala na ako eh.

Pero may parte ng sarili ko na nagpu-pumilit pumunta.. Lalong lalo na ang tropa. Pati nga nanay ko pinagtu-tulakan ako eh..

”Popoy naman.. Pumunta ka na.. Hindi ka na naawa? Hapon na.. Ang sabi niya tanghali nandun na siya.. Isipin mo na lang yung mga pinag-samahan niyong dalawa.. Hayaan mo siyang mag-paliwanag..” Giit ni Mama.

Paano yun? Eh kapag iniisip ko yung pinag-samahan naming dalawa, ang nai-isip ko yung pangi-iwan niya sa’kin..

”Mama.. Mahirap naman yan eh. Nakakatakot nang mag-tiwala..”

Tinabihan ako ni Mama.

”Alam kong mahal mo pa rin siya.. At alam ko ring mahal ka niya.. Eh anong problema? Ayusin mo na ang lahat, hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari.. Tsaka Poy.. W-wag kang tumulad sa Daddy mo..”

Natigilan ako sa sinabi ni Mama.

Sa sobrang pagma-matigas ko..

Nilamon na ako ng galit ko para kay Kim..

Hindi ko namamalayan..

Nagiging katulad na ako nung pinaka-ayaw kong tao..

Iniwan ni Daddy si Mama kasi raw hindi siya nagtiwala.. Hindi niya pinaniwalaan na anak niya ako, kaya iniwan niya kami..

”Tama ka, Ma. I’m sorry for being stupid. Pupunta na ako.”

Ngumiti si Mama, at para akong nabunutan ng tinik.

I’m sorry for being dumb, Kim. Wait for me.

**Kim’s POV**

Malapit nang lumubog ang araw..

Pupunta pa kaya siya? Kanina pa akong tanghali rito.. Pagka-galing naming hospital, dumiretso ako rito..

Para makapag-liwaliw, makapag-isip at pakalmahin ang sarili ko..

Please Popoy.. I badly need you..

”Kim!! Lumalamig na! Are you sure ayaw mo pang pumasok?” Inabutan ako ng jacket ni Shayne. Nasa loob sila ng clubhouse.. Ayokong pumasok. I promised to wait here..

“Hindi, sige. Thanks.. Hihintayin ko si Popoy..” Tumango na lang siya at iniwan ako. She looks so worried.

Alam na rin nila ang kondisyon ko. Ayoko nang mag-lihim.. Natuto na ako..

”Popoy.. Nasan ka na ba?” Pumikit na lang ako at niyakap ang jacket ko habang nags-swing..

Maya-maya.. Naramdaman kong gumagalaw yung swing sa tabi ko.. My heart pounds.. Alam kong siya na yun..

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon