Author's Corner:
Bebes! Sorry po sa hindi paga-update nung isang araw at kahapon!! Godbless, Thank you!! ^________^
*************************************************************************************************************************
[Chapter 3]
**Popoy’s POV**
Naka-ngiti-- Ay. Nakatawa pala.
Nakatawa akong lumabas sa room 435. Sinong maga-akalang mage-enjoy ako ng todo na kausapin ang isang babae na ngayon ko lang nakilala? Masaya siyang kausap at kwela rin. Hindi siya maarte at hindi rin pa-cute katulad ng iba. Hindi mo mahahalatang may sakit siya.
Kung tutuusin, diarrhea lang nga naman kasi ang sakit niya. Pero siguro mahina rin ang resistensiya niya. Kapag ako kasi, nagkaka-diarrhea, banyo lang ang katapat.
Pumasok sa isip ko yung nurse kanina. Kaya pala parang kinikilig yun kanina? Crap. Nasabi ko pa yung cheesy line na yun sa kanya. Malay ko bang hindi naman pala nanay ko ang nandun?
At hindi porke’t nag-enjoy ako kasama ng taong nasa kwartong yun eh maliligtas na ang mga pinsan kong ulol. Humanda sila pag-uwi ko. Alam kong nagta-tago na yung mga yun ngayon. Ganun naman sila eh. +__+
Buwan-buwan may bago silang plano para pagtripan ako. Malala nga lang talaga yung ngayon. ’Wag lang silang papahuli sa’kin.
Tinext ko si Mama kung nasaan siya, nasa bahay pala nung bestfriend niya. Hahayaan ko na lang siyang mag-enjoy dun, ayaw kong makita niya ang madugong kahihinatnan ng mga pinsan ko, lalong lalo na si Christian, siya ang pinaka-ulol samin.
Tinext ko rin si Christian na hindi ko naman usually ginagawa.
To: ‘Insan
Prepare to die.
Nakanaman!! Lambot na ang tuhod niyan panigurado. Haha! Kahit naman mag-tago sila, pare-pareho lang kami ng pinapasukan, kaya makikita’t makikita ko sila. Yun nga lang, sa Lunes pa. Sabado lang ngayon eh.
Maya-maya, tumunog yung cellphone ko.
Tumatawag si Kurt, tropa ko.
”Oh, P’re, napatawag ka?”
“’Tol, busy ka?” Kapag nag-tatanong siya kung busy ako, ibig sabihin may problema.
“Bakit?”
“May riot eh.”
“Saan? Sino sa tropa ang napasama?”
”Sa 3rd street. May mga trespassers kasi galing sa kabilang grupo, nagka-taong napadaan doon sina Dex at Louie. Kahit pa kayang-kaya naman nila ang mga ga**** yun, masyado silang marami kaya dehado sina Dex..”
”Sakto, malapit na ako syan. Susunod pa ba kayo?”
”Tss. ’Di na, kaya mo na yan tsong.”
”Tamad ka talaga. Haha! Sige”
Binaba na niya yung telepono. Si Kurt ang nakaka-alam ng lahat ng nangyayari sa mga teritoryo namin, kapag may gulo, ire-report niya kaagad sa’kin. Ako ang boss eh. Haha! Pero tropa ko silang lahat. Buong kalye ng village namin eh teritoryo namin. Twenty-four streets lahat-lahat. At kung inaakala niyo na salot ang turing sa’min ng mga naka-tira rito, maling-mali kayo.
Parang mga superhero kami rito. Yung mga gang lang naman sa ibang village ang mahilig manggulo. Armado sila palagi kaya hindi kaya ng mga tanod. Sa amin na sila pinapaubaya. May access din kami sa mga CCTV cameras sa buong village at obviously, si Kurt ang may hawak nun. Barkada rin namin pati mga guards dito.
Hindi rin kami yung tipo ng gang na hithit dito, tungga doon. Hindi kami cheap.
Game na game lang kami sa bakbakan. Yun lang. Anak mayaman kaming lahat eh. Gwapo pa. B’D
Pagka-liko ko sa 3rd street, nakita ko kaagad sila. May konting galos na sina Dex at Louie, mga sampu na ang bagsak sa kalaabn at may sampu pang natitira.
”Mga tsong! Pagod na kayo. Ako na dyan.” Sabi ko.
”Poy!! Sige, amoy pawis na kami. May date pa kami!” Sabi ni Dex. Tinapik nila ang balikat ko at umalis na.
Hindi sila duwag, alam lang nila na hindi ako mahihirapan dito. Kaya nga leader ako eh.
”Oh, sino naman ’tong mayabang na ’to?” Sabi nung isang matangkad. Tss. Mukang Frankenstein.
”Akala niya siguro kaya niya tayo. Eh yung dalawa niya ngang kakampi hindi tayo kinaya eh. Siya pa kaya na mag-isa lang?” Aba, minamaliit ako ah.
Nag-bang sign ako sa CCTV camera sa may light post. Alam kong nanunuod si Kurt doon.
Nayabangan yata sa inasal ko yung mga kalaban at nag-simula silang sumugod. Nauna yung pinakamaliit. Ano ’to, by height?
”Yaaaaaaaaaahhhhhhh!!!” Sinubukan niya akong suntukin.
”Ay teka, yung sintas ng sapatos ko natanggal.” Yumuko ako at inayos yung pagkakabuhol ng sintas ko. Dahil dun, natisod yung susuntok sa’kin at naka-iwas ako. Boring. =___=
Inis na inis yung bugok at sinubukan ulit akong suntukin pero tumagilid ako at naka-iwas ako sa kanya.
”Yan lang ba? *yaaaawn*”
”Aba’t bastos ka ah? BOYS! Sugod!” Nagsabay-sabay na sila. Hay. Kahit gawin niyo ‘yan, wala kayong mapapala.
Susuntok sila, iiwas ako at sisipain sila. Kapag natumba na, tatapak-tapakan ko pa. Kapag makulit, sinisikmuraan ko na. Takte, ang gagabok nila. =__=
”Oh, sino pa? Dali. Maliligo pa ako.”
Nag-takbuhan sila palayo. Tsk. Mga duwag.
Nagulat na lang ako nang lumabas lahat ng tao sa mga bahay nila magpalakpakan. Aba nga naman, heroes’ welcome! Haha!
”Sige po..” Sabi ko at nag-lakad na pabalik sa bahay.
Pag-uwi ko sa bahay, wala pang tao. Mukhang nagtatago nga yung mga pinsan ko, hindi sila naka-tambay eh. Dapat lang.
Naligo ako at nagbihis. Ano kayang gagawin ko?
Matutulog na lang sana ako nang maalala ko bigla ang dapat kong gawin.
TAKTE. MAY TATLONG PROJECT PA NGA PALA AKONG GAGAWIN!!
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
TeenfikceMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.