Chapter 38

1.5K 19 2
                                    

[Chapter 38]

 

**Popoy’s POV**

Tambay sa auditorium. Yeah men haha!

March 18. General Practice ng graduation ngayon. Bukas, ayun na. ang bilis yata ng oras ah? Simula nung nakilala ko si Kim parang ang bilis na lang lumipas ng araw. Baduy =__=

Pero masaya ako, alam ko namang pagka-tapos nito eh magka-kasama pa rin kami ni Kim. Alam kong pasa yung exam ko sa UP no! Business course ang kukunin ko. Interesado naman ako sa business ni Mama sa London eh. Tapos pag nag-tapos na kami, magpa-pakasal kami ni Kim, tapos magba-bakasyon sa London.

Aaaaaaagh. Nakaka-adik.

At mantakin mong Valedictorian pa yung girlfriend ko? Ako naman 3rd honourable mention. ABA. Proud na proud na nanay ko dyan! Pinagbutihan ko talaga para hindi naman masabi na hindi ko deserve si Kim.

”Tol!!” Lumapit sa’kin ang buong tropa saka si Ace.

”Oh bakit?”

”Congrats ulit ha? Uma-asenso ah? Honorable mention ka na!!”

”Syempre naman. Haha!”

”Tapos sa isang araw, Grad ball naman. Ready na kayo?” Tanong ni Christian. Oo nga pala! Sa isang araw na ang grad ball. Buti na lang naka-bili na ko ng isu-suot.

Ayaw sabihin ni Kim ang kulay ng gown niya, gusto ko sana terno kami. Surprise daw. Nyeh.

”Eh kayo ba, Dex at Louie, may mga date na??”

“Aba syempre naman!! Di ba napa-kilala ko na si Mae?” Sabi ni Dex. Akalain mo bang makaka-hanap pa pala yan ng babaeng seseryosohin niya?

”Ah mga p’re, paano ba muna man-ligaw?” Napa-nganga kami sa tanong ni Louie.

”ANO?!” Sigaw naming lahat.

”Hehe, nagta-tanong lang mga tsong.. Alam niyo kasi, may transferee sa section namin.. Grabe mga ’tol. Natulala ako pag-pasok niya. Nakalimutan ko pangalan ng lahat ng mga babaeng nangf-flirt sa’kin.” Nakatulala pa siya habang sinasabi yan. What the fish? Haha!

”Ah! Si Kara Jacinto? Ayos nga yun, cute haha!” Sabat naman ni Dex.

Inakbayan naman siya ni Christian.

“Alam mo d’re, simple lang yan. Maging honest at sincere ka.. Wag ka nang maging playboy!!”

Tama nga naman. Eh mukhang mahihirapan ‘tong si Louie dun! Haha!

Natigilan lang kami nung umakyat na sa stage si Kim. Speech na niya. Lahat naka-tingin sa kanya.. Para bang lahat hinahangaan siya. She realle is someone to look up to.

Maraming beses na tumitingin siya sa’kin kapag nagsa-salita siya. Kasunod nun palagi ang pambabatok ng mga ulol kong katabi.

”Rael, pwedeng mag-usap tayo?” Tumayo si Ace.

”Pare, Popoy na lang. Hindi na naman kita ka-away eh.” Pumunta kami sa likod ng auditorium. Ano kayang sasabihin nito?

”Mahal mo naman talaga si Kim, di ba?” Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi kaya hanggang ngayon, gusto pa rin niya si Kim?

”Syempre naman.”

”Ako rin eh..” Tumingin siya sa’kin.

”Teka pare, nagka-kalokohan ba tayo rito?!”

”Whoa, easy dude. Inaamin ko lang sayo, ayoko nang nagli-lihim sa kaibigan..” Parang nagda-dalwang isip siya sa sinabi niya. ”Mahal ko si Kim.. that’s why I gave her up to you. Alam ko naman kung saan ako lulugar eh. Ayoko ngang mag-mukhang ulol na humahabol sa isang babaeng ni hindi nga ako nagustuhan.”

Nag-tawanan kaming dalawa.

”Magpa-paalam nga pala ako.” Bigla niyang sinabi.

”Ha? Bakit? Aalis ka?”

”Yup. Gotta go back to Korea. Dun na ako magta-tapos.”

“Bakit biglaan yata yan?”

“Nung isang araw ko lang napag-desisyunan eh.”

“Sigurado ka na? Malu-lungkot si Kim..”

“Kaya nga sayo ako unang nag-paalam. Gusto kong pasayahin mo siya kapag nalungkot siya sa pag-alis ko. Wag mo siyang pababayaan and always keep an eye on her. DEAL?” Inabot niya yung kamay niya.

“DEAL. Pag-balik mo dapat may asawa ka na ah.” We both grinned.

Pagbalik namin, nagka-kagulo na yung mga tao sa gym.

o-o-o-o-o

**Kim’s POV**

Nasa gitna ako ng paged-deliver ng speech nung makita kong umalis sina Popoy at Ace, papunta sa likod ng auditorium

Kinabahan ako. Ano kayang pagu-usapan nila? Baka naman sasabihin na ni Ace kay Popoy? Nag-promise siya!!

I’ve been doing great! Hindi talaga ako nagka-kasakit. Dapat gawin niya rin yung part niya!

Pero hindi naman siguro di ba? Graduation na bukas.. Wag naman Ace..

Napapaluha ako kapag naiisip kong malalaman na ni Popoy yung tinatago ko.

”And as we take the last step of our high school lives, we… We should… Uhh..” Aray! Nahihilo ako bigla..

“Kim? Kim are you okay?” Sigaw nung teacher sa kabilang side ng stage.

“Yes.. Yes Ma’am. Nahilo lang po ako. Ang init kasi eh.” Ang init nga, pinagpa-pawisan ako..

Tumayo ulit ako ng diretso. I attempted to continue my speech but I failed.

Next thing I know, everything was spinning.

“Kim!! Kim!! Hey!” Hindi ko na alam kung sino yung mga nasa paligid ko o kung ano yung mga sinasabi nila.. Popoy.. Asan ka??

“Tumabi kayo!!!”

Naramdaman ko na lang na buhat-buhat ako, then everything was black.

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon