Chapter 55

1.4K 20 2
                                    

Kharu’s Corner:

Dedicated sa aking seatmate. Kinukulit ako sa updates. ^___^

Salamat po sa mga nagbabasa up to this point! Mwah mwah. ^___^

********************************************************************

[Chapter 55]

**Popoy’s POV**

Ang hirap pala ng sitwasyon kapag hindi mo sigurado ang pwedeng mangyari sa taong mahal mo.

Naka dalawang chemo na si Kim.. At hindi kami kuntento sa resulta.. Ayokong isipin pero ganun ang napapansin namin..

Nung una inisip naming na side effects lang yun.. Kaso, ngayon parang sumosobra na eh. Nangangayayat na talaga siya, ang putla-putla niya.. Tinest daw siya ni Dra. Kahapon at ngayon niya sinasabi kina Tito Paolo ang resulta.. Hinihintay ko lang sila, mukhang natatagalan sila..

Bi-weekly ang schedule ng chemo niya.. Hindi na siya nakakapasok. Ako naman, dahil pinangako ko, pumapasok ako pero pagkatapos ng klase, pumupunta kaagad ako sa ospital. Madalas sumasama ang buong barkada.. Kaso busy na ngayon.. Ako dito ko na dinadala yung mga gawain ko sa school. May mga araw na dito na ako natutulog.

Ang sabi ni Dra., binabaan niya yung dosage ng gamut na binibigay nila kay Kim.. Di ko alam kung bakit.

Sa ngayon, binabantayan ko si Kim habang natutulog. Kinakausap ni Dra. Sina Tito at Tita..

Kinakabahan ako, naisipan kong dumaan muna sa chapel.

Lumuhod ako tapos nag-simula nang mag-dasal..

“Lord, lumalapit po uli ako sa inyo. Kung anuman po ang pinagda-daanan ni Kim, alam kong nahihirapan siya… Gamitin niyo na po ako para gumaan ang dalahin niya.. Gusto ko pa po siyang maka-sama nang matagal..”

Alam kong sobrang madrama na ako ngayon.. Takte, pakiramdam ko ang babaw na ng luha ko. Tuwing nakikita ko si Kim, bigla na lang may tutulo sa mata ko.

Habang nagda-dasal ako, nag-text sa’kin si Tito na bumalik na ako.. Mukhang tapos na silang mag-usap..

Nakita ko si Tito Paolo na nakatayo sa labas ng kwarto ni Kim.. Naka-tungo..

“Tito?” Napa-tingin siya sa’kin.. At nakita kong umiiyak siya.

“Pumasok ka na sa loob..”

“Ano po bang nangyari?” Umiling lang siya.

“Sabihin mo kay Tita Yna mo, magpapa-hangin lang ako.. Sumunod na lang siya kung gusto niya..” Umalis na siya. Alam kong tinatago niya lang yung lungkot sa tono ng pananalita niya.

Pagka-pasok ko, nakita ko si Tita Yna na hinahaplos yung buhok ni Kim habang tulog siya..

Mugtong-mugto ang mata ni Tita.. Tinatakpan niya ng isang kamay niya yung bibig niya.. Siguro para hindi marinig yung mga hikbi niya.

“Tita..” Hinawakan ko siya sa balikat..

Napatayo si Tita at napayakap sa’kin.. Napaiyak na siya..

“Bakit naman nagkaganito, Popoy..” Hindi ako maka-sagot.. Natatakot akong aminin sa sarili ko na alam ko na ang ibig sabihin ng mga nangyayari..

Naalimpungatan si Kim, narinig niya ata yung pag-iyak ni Tita.

“M-Mommy? Okay lang kayo?” Mahina niyang sabi.. Kitang-kita yung pamumutla ng labi niya..

Pasimpleng pinahid ni Tita Yna yung luha niya.

“O-Oo okay lang ako.. Susunod ang ako sa Daddy mo ha? ‘Poy ikaw na bahala..” Hinalikan ni Tita sa noo si Kim tapos lumakad na palabas..

Naiwan kami ni Kim.. tahimik..

“Lumala ‘no?” Naka-ngiti niyang sabi.

Umupo ako sa tabi niya. Hindi ako maka-imik..

Inabot niya yung suklay niya tapos ginamit niya yun..

Kumirot ang dibdib ko nung nakita ko yung reaksyon niya nung nakita niyang maraming buhok na sumasama sa suklay niya..

Tumingin siya sakin.. Sabay tulo ng luha niya.

”D-dapat pala, kinalbo ko na yung sarili ko.. Para hindi na ganito kasakit ’no? Bwisit..” Napaiyak na siya..

“Shhh. Wag ka na mag-salita. Just stay with me.. Forever. Naiintindihan mo?”

Tumango siya, niyakap niya ako.. Sobrang higpit..

Sana magawa mong kumapit sakin nang ganyan kahigpit habambuhay, Kim.

Maya-maya, naka-tulog ulit siya. Lumabas ako at nakita kong nakaupo sa labas sina Tita at Tito.

”Popoy, mag-usap tayo..” Sabi ni Tito. Mukhang hindi pa makapag-salita nang maayos si Tita Yna.

”Ano po bang sabi ni Dra.?”

”Hindi maganda.. Hindi talaga.. The chemotherapy failed.. In fact, it made her case worse.. May mga ganung pangyayari raw talaga sabi ni Dra.. Pero bakit kailangan kay Kim pa?” Napa-yakap si Tita Yna kay Tito Paolo..

Napatulala ako sa sinabi niya..

K-kung hindi pwede ang chemotherapy.. Ano nang panghahawakan namin?

”P-pero sabi nga ni Dra., may isa pa tayong option..”

Nagkaroon ako ng kahit konting pag-asa nung narinig ko yun..

”Yung.. Transplant po ba?” Tanong ko.

”Oo.. Masyadong kritikal yun.. Pero gagawin natin lahat para kay Kim.. Pumayag kami.. Ang unang-una nating kailangang gawin.. Ay humanap ng donor na magma-match ang bone marrow tissues kay Kim..”

“Wala po ba silang ganun dito?”

“Wala, kasi bihira lang ang nagdo-donate at naga-avail ng ganung operation.. Napaka-rare ng gumagawa ng ganun dito sa Pilipinas.. And we should make sure that the bone marrow is healthy.. Pwede raw mamatay si Kim kung may complication ang makuha natin..”

Natahimik kami.

Humarap si Tito Paolo kay Tita Yna.

”Sioms, punta ka na lang muna sa chapel.. Pag-dasal mo si Kim.. I’ll talk with Popoy. Okay? Tawagan mo na rin sina Sandra at Cedric para malaman nila ang sitwasyon ni Kim.. Siguro makakatulong kay Kim kung makikita niya ulit sila..” Tumango si Tita Yna tapos umalis na..

Sana maabot pa namin ni Kim ang ganoong edad nang mag-kasama..

”May isa pa tayong malaking problema..”

”A-ano po yun..?”

”Namana ni Kim sa Mama niya yung pagka-mahina niya sa operations.. Kaya nga hindi na namin nasundan si Kim, kasi mahina talaga ang katawan ni Yna sa mga operasyon.. Since critical ang gagawing operation kay Kim, natatakot kami na.. hindi na siya magising kahit successful na mai-lagay sa kanya yung nai-donate sa kanya.. Pero naniniwala akong malakas ang anak ko.. May tiwala ako sa kanya.. Kaya sana, tulungan mo kaming patatagin ang loob niya.. Alam kong ikaw ang pinaka-mahalagang tao ngayon para sa anak ko..”

”Makaka-asa po kayo, Tito..”

”Sige, susundan ko asawa ko.. Paki-bantayan si Kim..”

Umalis na si Tito.

Pareho pala si Kim at ang Mama ko.. Mahina ang katawan sa operasyon..

Bakit naman ganun? Yung dalawang pinakamahahalagang babae sa buhay ko.. Ilang dangkal lang layo sa danger zones nila.

Tumabi ako kay Kim at humiga sa tabi niya.

Masakit Lord. Masakit na.

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon