[Chapter 33]
**Popoy’s POV**
December 16, yan ang araw na naging kami. 8 days na rin kaming dalawa. Nasakto nga sa Simbang Gabi, kaya nagsi-simba kami ng pamilya naming kapag madaling araw. Bukas naman yung outing. Tapos sa isang araw, Pasko na.
Ganun pala ang paki-ramdam.
Parang ayoko na gusto ko nang matapos yung gabing yun..
Ayoko kasi sobrang saya namin.. Parang gusto kong tumigil na lang ang oras para ganun lang kami kasaya palagi..
Gusto ko naman, kasi gusto ko pang dagdagan yung mga panahon na masaya kami.. Hindi lang sa oras na yun.
Gusto ko siyang pasayahin.. Hinding-hindi ko siya sasaktan.. Mahal na mahal ko si Kim.
Malaki na rin ang nagawa niya sa’kin..
Hindi na ako naghahanap ng gulo.. (Ako ang hinahanap ngayon)
Mas nalayo ako sa bisyo. Siya na yung mismong bisyo ko..
Sulit na sulit yung halos apat na buwan na pangli-ligaw ko sa kaniya. Kung tutuusin, kulang pa yun eh.
Hindi ako magsa-sawang patunayan kung gaano ko siya ka-mahal.
Okay. Baduy na.
Tuwang-tuwa yung nanay ko sa nangyari. Nanalo raw ang manok niya =___=
Masaya rin daw ang mga magulang ni Kim. Mabuti naman, walang kumo-kontra.
Nung gabi rin kasi na yun, nag-punta ako sa bahay nina Kim para sabihin namin sa mga magulang niya na kami na talaga.
Kung tutuusin wala namang masyadong nag-bago sa’ming dalawa. Mas naging open lang kami at ngayon, mas alam ko na kung saan ko ilu-lugar ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.