Kharu’s Corner:
Okay, wag kayo magugulat.
This is the last chapter BEFORE the epilogue. Haha! Ako rin nagulat, kala ko aabot to ng 60 chaps, naputalan pa ng isa. XD
Ayun, sa (mga) nakahula ng mga pwedeng mangyari, Shh na lang. Mas spoiler pa kayo kesa saken! Haha! JK, love you all.
Godbless! Hindi ko sure kung bukas o sa isang araw ko maa-upload ang epilogue ha? ^___^
***************************************************************
[Chapter 58]
**Popoy’s POV**
“Basta pagka-tapos ng operation, diretso tayong Korea!!!”
”Lul! Paano mga klase natin?”
”Tsaka pagpahingahin muna natin si Kim no!!”
”He! Mga KJ!!”
Maingay ngayon sa hospital room ni Kim. Nandito ang buong barkada, sumusuporta para sa laban ni Kim mamaya..
Kahit papaano, nakikita kong ngumingiti si Kim.. Kailangang-kailangan ko yung mga ngiti niyang yun para magpatuloy ako sa buhay ko..
Mamaya-maya, kukunin na siya at dadalhin sa operating room.. Gagawin na ang transplant.. Kasama niya sa isang kwarto ang isang tao na hindi naman namin kilala. Pero kahit ganoon, sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya.. Kung sino man siya, siya na siguro ang sagot ni Lord sa mga dasal namin..
Kahit na alam niyang kritikal silang dalawa ni Kim, willing pa rin siyang maging donor.
Naisip ko na naman yung mga posibilidad..
Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko..
Kahit hindi niya sabihin, alam kong pinapalakas niya ang loob ko.. Para bang sinasabi niya na, ”Wag kang sumimangot! Kakayanin ko ’to..”
Hinalikan ko siya sa noo.
Pagkatapos nun, pumasok na si Dra., kasama sina Tita Yna at Tito Paolo, tapos kasama na rin sina Tita Sandra at Tito Cedric, yung mga tumayong magulang ni Kim nung bata pa siya. Sa kanila nakuha ni Kim yung last name niya.
Natahimik lahat nung pumasok sila.
”Kim..” Alam kong sa puntong ’yon, kailangan ko munang bitawan si Kim..
At ipaubaya siya sa Diyos at kay Dra.
Hinalikan ko siya ulit, huling beses bago siya pumasok sa O.R.
”Be Strong. Mahal kita.” Sabi ko, hinigpitan niya ulit ang hawak sa kamay ko. Yun na lang ang kaya niya, hindi siya makapag-salita.
”Pwede kayong sumama sa’min hanggang sa labas ng Operating Room, pero hindi kayo pwedeng pumasok.” Sabi ni Dra.
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Novela JuvenilMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.