[Chapter 32]
**Kim’s POV**
”Hey Kim! Not so fast!! Baka ma-detach na yung kamay naming ni Ciara!!”
”Ahehe! Sorry! Tara na, malapit na naman tayo..”
Palakas ng palakas yung tibok ng puso ko. Nae-excite ako! Nagi-guilty tuloy ako sa mga sinabi ko tungkol kay Popoy.
Pero ano kayang meron sa clubhouse? Nagdi-dilim na. Hapon kasi ang Party eh.
Nung nasa tapat na kami ng clubhouse, napa-nganga na lang kami.
”Teka, asan yung clubhouse? Yan ba yun?”
”Ibang-iba ang itsura!!”
Napuno kasi ng Christmas lights yung clubhouse tapos may mga Decors din. Nag-iba rin yung pintura. Parang nung isang araw hindi pa ganito ‘to ah?
Pumasok kami. Pagpasok naming..
*POP!!!!!*
“MERRYCHRISTMASGIRLS!!!” May pumutok na party poppers paska-bukas naming ng pinto. Binati kami ng sabay-sabay nina Christian, Enzo, Kurt, Dex at Louie.
“TEKA!! Kala namin nasa school pa kayo?”
”Kanina yun. Haha!”
Lumingon-lingon ako. Wala ung taong ine-expect ko na una kong makikita pagka-bukas ko ng pinto.
”O siya girls, kain muna tayo. Nandito ang specialty ni Tita Ezra!!” Tapos nakita namin yung mga naka-hain. Nakaka-takam! Haa!
Naku. Bahala ka na Popoy. Kakain na lang kami. Kala ko pa naman..
Pagka-kain ko, nagpa-alam ako na magpa-pahangin lang. Lumabas ako papunta sa mini playground sa likod ng clubhouse. Ang cute, pati rito Christmas na Christmas.. Kulang na lang snow..
I sighed. Kumanta na lang ako para malibang ko sarili ko. Hay. Nakaka-inis ka talaga Popoy. Pero sigurado ako na sa kanya galing yung sulat kanina eh..
Oh baka pinagti-tripan lang nila ako. Hay.
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.