Chapter 12

1.8K 26 2
                                    

[Chapter 12]

 

**Kim’s POV**

Nakakatamad naman ang araw na ‘to!

Kahapon, nakapag-enjoy ako lalo na at nag-bonding naman kami ni Christian.

Kaso, ngayon eh Sunday. Kaninang umaga, nag-simba kami nina Mommy tapos umalis na sila kasi may aasikasuhin sila sa acting worshop nila sa Laguna Area.

Wala akong magawa sa bahay! Pwede naman akong lumabas kaso wala na akong maisip na puntahan. Wala rin akong kasama, hindi ko ma-contact sina Shayne at Ciara eh.

Eh kung puntahan ko na lang kaya sila? Tutal iisang village lang naman ang tinitirhan nila at sa pagkaka-alam ko doon din si Christian. TAMA!

Nag-bihis ako at kinuha yung helmet ko. Gagamitin ko na lang ulit si Mike, since sa kabilang village lang naman sila. Hassle kapag bike gagamitin ko no! Baka mapagod ako masyado.

”Manang? Punta lang po ako kina Shayne at Ciara. Paki-sabi na lang po kina Daddy kapag tumawag sila. Iiwan ko po ang cellphone ko para wala akong malaglag kapag sumaklay ako kay Mike. Bye!”

”Ingat Kim!” Sigaw ni Manang Maria.

Umangkas na ako kay Mike at nag-stroll na papunta sa kabilang village. Mga 5 mins. lang gamit si Mike, nandun na ako sa main gate nila. Kapag lakad mga 10 mins. siguro.

Nag-salute lang ako kay Kuya Guard. Kilala na naman nila ako kasi madalas kong bisitahin sina Shayne dito. Sa tuwing hindi ko kasi sila ma-contact, dumidiretso na ako rito.

Maganda rin yung village nila. Konti lang naman ang pagka-kaiba kung ikukumpara sa village namin. Kaso sabi nina Shayne madalas daw magka-roon ng away dito, kaya hindi ako nagpapa-abot ng gabi rito.

Anong oras na ba?

4PM. Okay pa naman siguro. Uuwi na lang ako before 6. Maliwanag pa yun dito.

Dalawang streets na lang ang lilikuan ko at pagkatapos, nandun na ako! Magkapit-bahay lang sila Shayne at Ciara eh. Butipa sila. Ako, ISOLATED. TT__TT

Isang street na lang! Haha! Dapat pala nag-pants na lang ako! Naka-short lang ako. Huhu. Ano bang pumasok sa isip ko? Maya-maya, lalamig na. >__<

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon