Chapter 13

1.8K 23 2
                                    

[Chapter 13]

 

**Kim’s POV**

Nai-inis talaga ako!! Argh! Ano yun? Sudden MOOD SWING? Tsk!

Sila na nga itong tinulungan, siya pa nagalit. Wala naman akong nagawang naka-sama sa grupo nila ah? Don’t tell me naapakan ko ang pride niya kasi naka-talo ako ng tatlo sa mga kalaban nila?

Napaka-babaw naman niya kung ganun nga ang dahilan!

Parang nung isang araw lang, okay kami! Nagtatawanan at nagba-bonding pa.

Tapos ngayon, isnaban? Ganun?

Buti pa yung mga ka-grupo niya, kasundong-kasundo ko. Ang g-gwapo nilang lahat! Napapa-libutan ako haha!

Pero ayun nga. Grabe ha. Nakaka-badtrip lang.

Pero weird eh. Nasa school na kami at hindi niya talaga ako pinapansin. Kahit tingnan man lang o kahit sulyap lang, WALA. Parang hindi niya ako kilala! Hindi na ako naniniwalang mood swing yan. Wala naman akong ginawa na pwedeng ika-galit niya ah?

Oh baka nga dahil na-apakan ko yung ego niya nung isang araw? Ugh. I don’t think he’s that sensitive either.

Weird, kasi napapansin ko na habang dumadaan ang mga araw, unti-unti..

Nafi-feel ko na iniiwasan na rin yata ako ng iba pang kasamahan ni Popoy. O baka praning lang ako?

Hindi eh, kung dati nga, sila pa ang maghahanap sa’kin para lang masabayan ako kapag breaktime namin, o kaya pag umuuwi.

Ngayon, okay na sa kanila yung simpleng ngitian lang kapag nagki-kita kami. Kapag mag-aattempt ako na kausapin at samahan sila, parang bigla na lang sila mawawala sa paningin ko.

What the fish is happening?

Ang hirap kaya nung feeling na, napa-lapit ka na sa kanila at nasanay ka na sa presence nila, tapos bigla kang iiwan na naka-bitin sa ere? It sucks BIGTIME!!

”Yung kilay mo, magdi-dikit na.” Biglang may nag-salita sa likod ko.

Napa-hipo ako sa bandang noo ko.

OO, naka-kunot nga. As in.

”Tsk. Paki mo.” Dala ng pagka-badtrip ko, ayan ang nai-sagot ko. Binabalik ko lang yung pangi-isnab niyo sa’kin! Amp!

”Sungit naman nito. Anong meron?” Umupo siya sa tabi ko.

”Wala. AS IN WALA. Iwanan mo nga ako Christian at high blood ako ngayon!!!”

”Eh bakit ba kasi?” Naka-ngiti niyang tanong. Ugh.

”Wag mo nang itanong!!” Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

”Uy, Sorry na. Sorry kung hindi na kami madalas na nakaka-sama sa’yo. Basta Sorry. Busy lang kami sa.. Ano.. May mga bagay na inaasikaso yung gang namin. Busy kami at mas magiging busy pa panigurado. Hindi ka na namin masasamahan..”

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon