[Chapter 15]
**Popoy’s POV**
”Natawagan niyo na ba si Christian?” Tanong k okay Dex. Nasa tapat na kami ng meeting place.
“Oo. Papunta na siya.” Sumagot si Enzo. Siya ang taga-contact ng tropa eh.
Maya-maya, nakita na naming parating si Christian.
”Natagalan ka yata?” Tanong ko sa kanya. Hindi naman siya nale-late eh.
”Sorry, nakita ko kasi si Kim eh.”
”N-nandito siya?” Tanong ko.”Oo, pero wag kang mag-alala, pina-alis ko na siya. Sa 23rd street ko siya pinadaan. Naka-motor naman siya kaya mas safe siya.”
Motor? Marunong pala siyang mag-motor? She is a mystery.”Good. Ngayon, pasok na tayo.” Sabay-sabay kaming anim na pumasok sa lumang building na nasa pinakadulong kalye ng teritoryo namin.
Our lips all formed a smirk. Ma-aksyon na naman ang hapon na ‘to!
Sinipa ko yung pintuan. May mga ulol kasing nang-hamon sa’min. Ang angas kasi ng mga ‘to eh, lalo na yung leader nila. Ang lakas ng loob nilang kalabanin kami sa teritoryo namin.”Oh, nasaan kayo!?” Sigaw ni Kurt.
Isa-isang naglabasan ang mga kalaban namin. Nice, Ang dami nila. Ganun ba kaduwag yung leader nila?
”Hah! Andami niyo ah. Prepared masyado.” Sabi ni Louie.”Baka masyadong takot P’re” Sabi ni Dex sabay high-five kay Louie. Mga loko talaga ’tong mga ’to.
Nakita kong nag-panting yung tenga ng mga kalaban namin. Napikon yata.
2. 3.
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.