PROLOGO

21.1K 277 10
                                    

 "Kaya kong gawin ang buong parte ng katawan mong kulay Puti. Pero wag kang mag-alala ako rin ang magpipinta diyan ng bagong kulay na habambuhay sayo'y Magpapangiti"

"Ang salitang malayo Krib nangyayari lang pag wala ka sa paningin ko. Pero ang makita kang nasa harap ng monitor ko't nakangiti parang magkasanib lang tayo sa kama hehehehehe. Ang sarap sa pakiramdam, tila akoy nilalabasan"

"Pareho lang naman tayong may kailangan. Kailangan mo ang presensiya niya na maari mong maramdaman sa akin, ako naman kaylangan ko ang sarap na kaya mong ibahagi. Kaya wag na tayong magdamot sa isat'isa. Tayo'y magbigayan ng sarap Dennis"

(--_____--!!)

Ang weird.

May tatlong tinig akong nadinig sa aking panaginip kagabi. Blankong panaginip, purong kadiliman at tanging madidinig mo ay ang mga boses nila.

Pero nakakapagtaka, kanino yung dalawang boses?

Alam kong yung pangalawa ay tinig ni Krab.

Pamilyar man ng konti ang dalawa, pero di ko talaga alam kung kanino ee. Nakakalito.

Hindi lang nakakalito.

Nakakakilabot pa!

Bat sinasabi nila yun sa akin?

Bakit?

"Hi mahal ko" natinag ako ng biglang sumulpot na sa monitor ng laptop ko ang nakatapis lang ng tuwalyang prinsipe ng buhay ko.

Mabilis akong napangiti. Nilapit ko ang mukha ko sa monitor "Krab ko kiss ko?" ani ko.

Gabi sa kanila, umaga naman dito sa pilipinas.

"Bihis lang ako Krib"

"Ayoko!" pagmamaktol ko.

"Ayan ka nanaman, gusto mo nanaman ako makitang nakahubad noh?" saad niya. Ngumisi ito at dahan dahan naring lumalapit sa monitor. Nangangalay na ako krab ko!

"Krib ko pisnge mo o labi mo. Tingin ka dali" Sssss.. Yung pisnge ko nga pala yung nakadikit. Abnoy ka din dionesio noh! Tsk!

Mabilis ko namang iniharap ang mukha ko sa monitor. Siyempre gusto ko sa lips!

'WTF'

Nagulat ako ng makitang nakalapat sa monitor mismo ang titi niya!

"Krab naman ee!"

Madali naman yun nawala at pumalit ang mukha niyang ngiting ngiti. Anong nakakatuwa Mr. Mendez!

Sinamaan ko siya ng tingin at pinakyuhan (+____+)./.

Ngumuso naman siya. Parang nasaktan sa inasal ko. Kwits lang tayo krab ko, pinakitaan mo ako ng burat mo. Sinimbulan naman kita ng Burat gamit ang mga daliri!

Hahahahahahaha

"Krib ang sama mo na sa akin. Bat may paganyan ganyan ka na sa boyfriend mo?" Padabog siyang tumayo at nakita kong hinubad yung tapis niya. May kinuha siyang brief na nakapatong sa sofa niya at sinuot yun.

Eto nanaman po kame..

Ika-isang linggo ngayon na magkalayo kame. Gamit ang makabagong teknolohiya't mga application kami'y nagiging masaya. Walang oras kaming pinapalipas, na magtitigan gamit ang application na skype.

Pag magchachat at magpaparingig ng tampuhan ay facebook naman ang aming gamit. Sa mga kaibigan namin ay kameng dalawa nalang pala ang walang facebook.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon