The 75th Shopa

3.1K 188 33
                                    

DENNIS POV

Pagkalabas ko galing banyo ay di ko na siya naabutan sa kwarto. Masyado bang naging masakit ang mga sinabi ko? Masyado ba akong naging makasarili. Pero hindi e, tama lang ang mga sinabi ko sa kanya. Kulang pa yun sa lahat ng pinaramdam niya sa akin.

Pero nahihirapan ako, gusto kong gawin ang lahat ng paglalambingan namin. Pero may bahagi ng pagkatao ko na kailangan ko tong gawin. Makita ko man lang ang pasensiya niya at pagsisisi.

Napa-upo nalang ako sa kama habang nakatapis pa ang tuwalya sa aking bewang.

Muli ko naman naalala yung pusa niyang dala. Inikot ko yung paningin ko sa kwarto, pero di ko nakita yung pusang itim. Nakakatuwang isipin na may regalo siyang pusa sa akin na kasing cute ni Maulee.

Nakonsensiya naman ako ng di ko pansinin yung pusa kanina.

Yung tingin ko ay napako naman dun sa pagkain na dala niya kanina. Nakapatong na yun sa round table sa aking kwarto. Mahirap pala magpanggap na di gutom.

Lumapit agad ako at kinain yung almusal na gawa niya daw. Ano ba tong sinangag niya, sunog talaga!

Pagtyagaan na nga lang.

Habang kumakain naman ako ay nakakita ako ng maliit na papel sa may ilalim ng mga plato. Agad ko yun kinuha at binasa ang nakasulat.

***

Okay lang na magalit ka sakin, tatangapin ko na lang kung yun ang magpapagaan sayong loob. Pero hindi ako susuko na makuha ulit ang buong pagmamahal mo. Kainin mo na yang hinanda ko sayo, pasensiya yan lang ang kaya ko.

I Krab You..

***

Hmmmmmmmmmmf..

((=_____=))

GANNY'S POV

Maaga akong nagising kanina para ipagluto siya ng almusal. Palpak nga lang kase nasunog yung sinangag.

Kinabahan pa nga ako, naabutan kase ako nung Kuya Clifford ni Dennis kanina. Mukha pa namang badtrip, buti na nga lang dumating rin si Brenth.

Kaya pala takot si Krib dun sa kuya niyang yun dahil iba talaga ang pakiramdam pag kaharap mo siya. Parang pasan niya ang planetang Jupiter.

Maaga sila kung magising, siguro para narin maka-iwas sila sa trapiko. Kung tutuusin mas malayo kase ang byahe nila kaysa kay Dennis.

Tulad nga ng inaasahan ko ay inaway nanaman ako ng mahal kong alimango. Nakakatampo lang na ganun ang pa'almusal niya sa akin, habang ako pinagluto ko pa siya.

Pati si kribkrab sinupladahan niya.

Napatingin naman ako dito sa itim na pusang binili ko para sa kanya. Kribkrab ang pangalan niya, pinaghalong tawagan namin sa isat isa ni Krib. Tulog ito ngayon sa kama dito sa Guest Room. Andito ako ngayon kase, ayaw niya ako dun sa kwarto niya.

(--____--)

Pero nagbibihis na ako para pumasok. Hehehehe tatambay ako dun sa DMA, babantayan ko siya ngayon habang suot tong dati kong school uniform na pinadala ko kay Kuya Joel.

Si Dhanny naman ay sarap pa ng tulog sa kwarto ni Brenth. Bahala yun sa buhay niya.

Nagtext narin si Brenth na naka-alis na sila, at di pa nila kasama si Dennis. Isa lang ang ibig sabihin nito. Ako ang makakasama ni Krib papunta sa eskwelahan.

DENNIS POV

Ako na nagdala pababa nung kinainan ko. Maaga pa kaya nagulat ako ng malamang naka-alis na ang mga kuya ko.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon