The 56th Shopa

2K 90 8
                                    

XAVIER'S POV

Sa sobrang inis ko dahil sa pagsipsip ng lokong nilalang na ito sa leegan ko ay tinulak ko na siya ng malakas.

"Ano ba aaa!"

(O____O)

Prang nagtindigan ang balahibo sa aking katawan ng makita ang issura ng akala kong babae. Puta isa pala siyang bakla! At nakangisi pa talaga!

Kadiri!

Ibig sabihin? Nahalikan ako ng isang tulad niya! Putang-inang buhay to!

"Masarap..." sabi pa nito sa akin. "Pwedeng umulit?" nakangising tanong niya. Gigil akong susugod na sana ng pigilan ako ni Myril.

"Excuse me?" pagharap ng girlfriend ko sa baklang nakawig ata ng kulay pink tapos may cupcake pa! Tskkk! Tang ina naiinis ako!

Inirapan lang nung bakla si Myril.

"Wala ka bang magawa sa buhay mo? Pati boyfriend ng iba ginugulo mo!" pero kumumpas lang yung gagong bakla sa ere ng kamay niya.

"Damot mo naman.." sabi nito sabay may kinuha sa bulsa niya. "Ito ohhh 500 bayad ko sa ginawa ko sa boyfriend mo"

Dun ay nagpantig ang tenga ko. Anong ginagawa ng baklang to, binabayaran niya ba kame dahil sa ginawa niya sa akin!

Gago pala to aaa!

"Ang kapal din ng pagmumukha mo no!" sumugod si Myril para sampalin siya pero agad na may humarang na dalawa sa kanya mula sa likuran nung bakla.

Tapos hinawakan ang kamay ng Girlfriend ko!

Dun ay di na ako nakapag-pigil.

"Bitawan niyo siya!" inis na harap ko dun sa dalawa. "Kung ayaw niyo maging kamukha yang nasa likod niyo!" inis na sabi ko. Agad naman binitawan ng babae ang kamay ng Girlfriend ko. Then inalalayan ko na si Myril papunta sa likuran ko.

"Ayy.. protective" tapos pumapalakpak pang humarap sa akin yung baklang. Tang-ina mo, di ako makakapayag na nakawan ako ng halik ng tulad mo! Tarantado ka!

"Sino ka ba ha!" inis na tanong ko sa bakla.

"Hindi mo ba ako kilala?"

Hindi ako umimik bagkus ay pinipigil ko ang sarili kong makapatay ng hayop.

"Hahahahaha.. girls ipakilala niyo nga ako dito sa gwapong to" agad naman humarap yung tatlo sa akin. Anong kalokohan ito? Sino ba tong mga ito?

"Siya lang naman si Queen C! Ang reya ng kagandahan" sabi ng isang babaeng may dala dalang bag.

"Soon na magiging Vice President ng Campus" sabi pa ng isang babae rin.

"At siya ang Living Barbie Doll na pinagkakaguluhan ng mga lalaki dito sa Campus!" sabi nung isang bakla.

Pinagsasabi ng mga ito?

"Reyna ng kagandahan? Tsk.. baka Reyna ng kapangitan at hindi ka mukhang Barbie doll.. Mukha kang pinaghalong Chaka at Voodoo doll!" inis na sagot ko sa mga pinagsasabi nila.

"At never kang magiging Vice President ..dahil sa ugali mo" biglang tabi sa akin ni Myril pagkatapos sabihin yun. "Never mong matatalo si Dennis.."

Dun ay nakita kong napataas ng kilay ang baklang kaharap namin.

"Talaga? Ahhhh kayo pala makakalaban namin.." nakangusong sabi nito. Mukha siyang pugita sa itsura niya! Sheeeeeet nararamdaman ko yung ginawa niya sa leeg ko, kaylangan ko talaga maligo! "Kaya pala nangangamoy looser.. diba girls?"

Sabay nagtawanan yung mga kasama niya pati siya.

"Hahahaha.. naku humanda na kayong matalo, lalo na yang sinasabi mong Dennis dahil walang makakatalo sa akin.." mula ulit sa bag niya ay may kinuha siyang pera. "Oh ayan.. dinagdagan ko na yung 500 panggastos man lang ng grupo niyo sa kampanya niyo" sabay tapon nito sa harapan namin ng pera niya.

Pinulot naman agad yun ni Myril, at nagulat ako sa ginawa ng GF ko.. pasuntok niya tong sinungalngal sa bunganga ng bakla sabay sampal ng malakas!

Napapikit nalang ako dahil sa ginawa niya. Hindi inasahan ng baklang yun ang ginawa ni Myril kaya bagsak ito sa semento nitong hallway.

Tapang talaga ng Girlfriend ko. Sumunod nalang na nangyare ay hila na niya ako. Napapngiti nalang tuloy ako.

"Ngiti ngiti mo diyan?!" sabay na inis niyang binitawan ang kamay ko.

"Ha?"

"Ano masaya ka dun sa sispsip halik ng baklang yun? No?!"

"Mhie?"

(O____O)?????

"Kunwari ka pa!"

"Ano ka ba ha?" sabay akbay ko sa kanya. Parang nandidiri nanaman siya sa akin. "Kung alam mo lang ang pandidiri ko.. mhie, gusto ko na nga sapakin at patayin yung baklang yun ee pero nangako kase ako sayo na Goodboy na ako diba?"

"Hmmmmmpp.."

"Ikaw nga diyan.. Badgirl ka na a?"

"Ewan ko sayo kulang pa yun dahil sa pagnanakaw ng halimaw na yun ng halik sayo.." tapos inis siyang humarap sa akin. "Pagkatapos nating pumunta sa Guidance.. umuwi ka na at maligo aa!"

"Oo na po.."

Selos ang Girlfriend ko hehehehehe..

"Ayokong tumagal pa ang DNA ng baklang yun sayo Dhie.."

Oo Mhie wag ka ring mag-alala, makita ko lang ang baklang yun sa labas ng school na ito. Ipapakilala ko sa kanya ang dating Xavier.

Pero naiinis parin ako! Nanakawan ako ng halik ng isang halimaw!! Okay pa sana kung si Dennis eee.

Kayamot!

DENNIS POV

Pagkatapos namin sa Canteen ay nagpasya na kameng maglakad pauwe ni Miggy. Buti nalang medyo wala ng tao sa canteen kaya nakakain si Maulee sa may labas hehehehe..

Ayun busog yung matabang pusa tapos jumebs narin dun sa may damuhan na di kalayuan sa canteen. Feeling masyado nitong pusang to, gusto lagi siyang pinagsisilbihan.

Naispoiled siguro nung panget at paasa niyang amo. Tsk naalala ko nanaman si Lucario.

"Baby Boy!"

Halos magulat ako ng makitang may yumakap kay Miggy mula sa kanyang Likuran! Hindi rin yun inaasahan ni Naruto ... Ngayon ko lang nakitang magulat ang mukha niya!

"Halos Five hour's kitang di nakita baby boy" Sheettt! Yung kamay niya pababa ng pababa sa ano ni Naruto!

Anong Baby Boy na pinagsasabi ng baklang ito kay Miggy!

~ ITUTULOY ~

Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon