The 48th Shopa

1.9K 99 4
                                    

DENNIS POV

Akala ko nag-walkout talaga siya. Limang minutong nawala ee, kaya hahanapin ko na sana siya ng bigla naman siyang lumitaw.

"Oh bat ka nakatayo?" tanong niya sa akin Inismiran ko siya at sinnamaan ng tingin. Ikaw tong bigla nalang umalis ng walang paalam tapos, ikaw pa may ganang magtanong ng ganayan! Tsk!

"Akala ko nilayasan mo na ako.." nakasimangot na sabi ko. Ngumiti naman siya at lumapit sa akin.

"Di aaa.. Upo ka na ulit" inalalayan niya ulit ako sa pag-upo. "Kumuha lang ako nito.." sabay pakita niya sa mga palad na may lagay na mga dahon.

"Ano yan?"

"Mint.." mabilis na sagot niya.

"Para saan yan?" tanong ko ulit sa kanya. Nakita ko nalang na may kinuha siyang parang plastic dun sa Medical Kit na nilabas niya kanina, tapos pinasok niya dun yung dahon.

"Ilalagay ko lang sa namamaga mong kuko.." siya na tila may hinahanap sa paligid. Nakita ko nalang na may hawak na siyang bato tapos pinupukpuk na niya yung plastik na may lamang dahon.

'Ahhh... pwede rin palang arbularyo itong si Peter Pan hehehehe'

Muli siyang bumalik sa akin at muling umungko sa harapan ko. Muli niyang kinuha yung paa kong merong masakit na kuko.

Pinagmasdan niya yun.

Tapos..

TAPOS HINALIKAN NIYA!

Para akong bato habang naka-upo at nakatitig sa kanya. Siya naman ay ngiting ngiting sinimula na yung pagtapal ng dahon sa aking paa. Kumuha siya ng mga tela dun sa kit niya at ibinalot nga yung dahon sa may daliri ng paa kong merong masakit na kuko.

"May menthol na taglay ang mint.. kaya kahit sa maikling panahon m salo ng menthol na pakiramdam yung kirot na nararamdaman mo"

"Ahh.. ramdam ko na nga yung lamig na nakakaginhawa sa pakiramdam"

"Hindi mo mapapansin yung kirot, lalabanan yan ng anghang lamig.." Dahan dahan na niyang isinuot sa aking paa yung medyas ko ganun na rin yung sapatos ko.

'Feeling ko nakababad sa yelo yung daliri kong tinapalan niya nung dahon ng mint..'

"Swerte talaga ni Ate Myril sayo.." sabi ko sabay tayo at sinubukan kong maglakad. Hehehehe di ko na nga nararamdaman yung kirot! "May botanist na siya may doktor pa!" sabay harap ko sa kanya.

Muntikan na magkadikit yung mga katawan namin at mukha. Di ko alam na ganito na siya kalapit sa akin.

"Pwede ring ikaw yung maswete, basta ba angkinin mo na ako.."

Yung puso kong durog na durog. Tila dahan dahang nabubuo. Ang landi naman ng tatay mo Bonsi!

~ ITUTULOY ~

Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon