The 79th Shopa

3.1K 189 24
                                    

DENNIS POV

Nakasukbit sa hubad niyang katawan yung gitara, tapos yung tanging suot niya lamang ay isang swimming trunks! Di ko nanaman tuloy mapigilang mapasulyap sa bagay na nasa loob ng trunks na yun.

"Hoy Hernandez!" nagulat ako sa pagsigaw niya kasabay ng pagtigil ng pagtugtug ng gitara. Hernendez! Ganun nalang ba niya ako kung tawagin!

"Bakit Mendez!" sabi ko naman.

"Di ka nakikinig ee.." parang tangang sabi nito. "Kung saan saan ka nanaman kase nakatingin" sabi pa niya.

"Hoy magtigil ka! Hindi ako nakatingin diyan sa trunks mo nohhhhh---" Awwwwww di daw nakatingin pero bakit mo nabanggit dennis! Masyado kang napaghahalataan! Dapat galit mode lang!

"Hahahahahaha.." tawa siya. "Kunwari ka pa, alam ko namang dun ka nanaman nakatingin!"

"Feeling ka lang!"

"Hoy Hernandez pwede bang tumahimik ka lang diyan at pakinggan mo tong kakantahin ko!"

"Di ka ba nagsasawa! Sabi ko ayaw na kitang makita!"

"Hinding hindi ako magsasawa Krib.." sumeryoso siya bigla habang sinasabi yun. "Kahit ano pa man maging kulay ng pakikitungo mo sa akin, hindi ako mapapagod na mahalin ka"

Bigla siyang ngumiti at muling inayos ang mga daliri sa string ng gitara.

"Yung mata ng pag-ibig ko sayo Krib ay coulorblind na, pakitaan mo man ako ng ibang kulay niyang pag-ibig mo di ako magpapaapekto.. kase iibahin yun ng mata nitong puso ko at aalisin ang kulay na ipinapakita mo at tanging kulay ng masayang mga pusong nagmamahalan ang makikita ko"

Hindi ko alam kung anong sasabihin, naiintindihan ko ang gusto niyang ipunto--- Na wala siyang paki'alam kung nasasaktan ko na siya sa mga pinapakita ko, na ang mahalaga ay mahal niya ako.

"Itong kakantahin ko para sa mata ng puso kong coulorblind na hehehe" sabay tawa siya ng maikli. "At siyempre para rin sa taong mahal ko, para sayo Krib"

Nagsimula na siyang mag-gitara at naglabas na nga iyon ng isang melody ng hindi pamilyar, pero isang magandang kanta.

COULORBLIND by Darius Campbell—Play niyo yung video para makarelate kayo.

"Feelin' blue,
while I'm trying to forget the feeling that I miss you
Feelin' green,
when the jealousy swells and it won't go away in dreams"

*Blue? Green? Hmmmm the song is may kinalaman sa mga kulay. Kaya pala para sa coulorblind niya daw na puso yung kanta. Ganun na pala ako kasama kase sinira ko yung mata ng puso niya.

(--__--)

"Feelin' yellow, I'm confused inside
A little hazy but mellow when I feel your eyes on me

Feelin' fine! Sublime!
When that smile of yours creeps into my mind

Oh oh..."

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon