The 26th Shopa

2.2K 106 4
                                    

DENNIS POV

Kanina pa kame magkaharap dito sa lamesa. Pero di kame nagpapansinan, pansin kong nakaabang ang mata niya sa cellphone niya.

'Baka naguupgrade siya ng Level 10 na Town Hall papuntang TH 11... Hmmmmm pwede'

Naglalaro rin kaya siya ng Clash of Clan? Hmmmmm.. Pero mukhang fanatic siya ng Subway Surfer eeh.

Agad kong inalis ang pagkakatitig ko sa kanya ng bigla siyang mapasulyap sa akin. Agad kong idinako ang sarili ko sa pagkain dito sa lamesa.

Birthday pala niya. Di naman kase agad sinabi, Eh di sana nabate ko man lang siya ng Bongga. Nabate?

Ay nabati pala---Mali nanaman ako. Haist.

(d--___--b)

Andame ko ng nakain, isa nalang di ko natitikman yung Yum Burger. Tumingin muna ako kung nakatingin siya---Ayos tulala nanaman siya sa cellphone niya!

Kukuha sana ako nung burger ng..

"Meow.." Hinarangan nung Pusa yung ng kamay nito yung mga Burger. Hala! Nagdadamot?!

"Paborito niya yan.." biglang nagsalita si Skaterboy. Sa wakas nagsalita rin ang Birthday Boy!

Halata nga. Yung pusa niyang cute ay yung Burger nga ang kinakain, nasa ibabaw rin ito ng lamesa habang nasa harap yung isang bukas ng Yum na dinadahan dahan niyang kainin.

"Binili ko talaga yan lahat para sa kanya"

'Ano? Para sa pusa na yan yung mga Yum!'

"Ah Okay sana sinabi mo agad.." Pusang mahilig sa burger? Dapat Tinik ng isda pinapakain diyan ee!

"Pero kung gusto mo hihingan kita kay Maulee"

'Maulee?'

Yung GF niya? Owww may God! Pero bakit wala yun dito? Dapat andito siya at sinasamahan tong Boyfriend niya.

Pero hihingan niya daw ako ng Yum kay Maulee? Ano ba nahihilo na talaga ako! Di ko na maget's ang mundo!

Andito ba si Maulee samin at Invisible siya ngayon?

"Hah? Andito GF mo?" tanong ko sa kanya. Bigla siyang nagulat sa sinabi ko. "Asan?" ako na palinga linga sa paligid.

Pero nagulat nalang ako ng Inis siyang kumuha dun sa Yum na nasa tabi ng Pusa niya at pabagsak yun na ibinigay sa akin.

Sabay tingin nanaman sa malayo. Hala galit siya? May nasabi ba akong masama?

"Ah hindi, sige okay lang.. Balik mo nalang sa pusa mo tong---"

"Maulee.." madiin niyang sagot. "Yang ang pangalan niya" sabay tingin niya dun sa pusang sarap na sarap na kinakain yung palaman ng Yum.

'Shet!'

"Wag mo sabihing?" napatingin ako dun sa pusa at sabay tingin sa kanya. "Naging Pusa yung Girlfriend mo?"

Parang Frog Prince lang--- Pero ibahin natin yung pamagat. 'The Cat Princess'

"Wag ng maraming tanong.." siya sabay inis na inilapag yung cellphone sa mesa. "Kainin mo nalang yan.."

Ay Galit...

Nanahimik nalang nga ako at kinain ko na yung Yum.

*****

Almost 30 minutes na ata kame dito sa lamesa at wala nanaman pansinan. Tumingin ako sa orasan sa cellphone ko at nakita kong mag aalas dos na pala.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon