The 66th Shopa

2.8K 171 40
                                    

DENNIS POV

Nakapwesto yung mukha ko na hinihintay na lumapit ang mukha niya, pero iba ang nangyare ee naramdaman ko ang paglukso ni maulee papunta sa aking kaliwang balikat. Gawin ba naman akong patungan.

Ang mas malala siya pa yung tumanggap ng halik ni Lucario na para sa akin dapat! Pagkatapos diniladilaan pa niya ang pisnge nito. Grabe ang takaw niya naiinggit ako sa pusang to.

"Meoww.."

"Hey.. do you miss me?" pagka-usap ni Lucario sa pusa niyang dinidilaan parin ang mukha niya.

"Meoww.. Meoww.." umiwas nalang ako ng tingin at pinabayaan na silang magmoment. Kainis tong pusang to, laplapan na this sana ee--- Mang'aagaw ng moment!

Inggeterang malanding pusa!

Andun na eee!

"Don't be mad maulee.." ramdam kong nawala na si maulee sa balikat ko pagtingin ko ay buhat buhat na siya ni Lucario. Si Lucario naman napatingin sa akin, tapos ngumiti. "Si maulee.." sabay pakita niya.

Ayyyyyy anong sasabihin ko?

Ngumiti nalang din ako na parang walang nangyari kanina. "Ah nandiyan na pala siya" Akala ko ba di siya marunong bumaba' dapat nanatili nalang sa taas yang pusang yan ee!

"Meoww.." pagtingin ko ay naka-irap na ang putragis na pusa! Aba anong pinagmamalaki nitong pusang to! Wala akong pake kahit nanadiyan yang si Lucario! Tutal wala namang nangyari maganda kaya' Badtrip ulit ako!

"You want to eat?"

"Yes.." agad na sagot ko sa tanong ni Lucario. Pero napahiya ako ng makitang kay maulee siya nakatingin habang kinakamot ang leegan ng alaga niya. Pahiya level 99.9..

"Meowww.." parang nagdadamot na sabi ng maulee na walang utang na loob! Pagkatapos ka namin ampunin ng mga kuya ko ganyan na ang attitude mo! May attitude talaga tong pusang to!

"Ahhh.. Yes, aaa—I mean Yes, gutom na yan si maulee.." sabay tawa ko kunwari. Siya naman ay nakatingin sa akin at nakangiti. Di ko alam kung minamanyak ba ako nitong lucariong ito!

"Kaw, kumain ka na ba?" tanong niya sakin habang tinitignan ang katawan ko mula ulo hanggang paa. "Mukhang pumapayat ka na ata aa.. kinukulit ka ba niya?" sabay pout niya paturo kay maulee.

Nakaramdam ako ng pagkasabik ng makita yung labi niyang yun, habang nakaturo kay maulee. Cute rin pala siya pag gumaganun' nawawala yung pag ka mystery niya. Pero nakaka-inis kase humalik nanaman si maulee.

Kadiri tong pusang to, iniinggit niya ba ako!

Pero bakit naman ako naiinggit. Inis' naramdaman ko nalang na napalobo yung pisnge ko sa sobrang pagkainis.

"Sorry aa.. di ko alam na ganito ka nahihirapan ng iwan ko siya sayo" si Lucario na biglang inangat si maulee sa kanyang ulo! Tapos parang sumbrero si maulee na sinakop ang ulo nito.

"Meowww.."

Pero bat ganun ang cute niya lalo ng pumatong si maulee? Para siyang keypap na artista sa harapan ko. Ang gwapo niya talaga' di ko maimagine na nahalikan ko ang lalaking tulad niya.

Pero tuwa din kaya siyang nahalikan ko siya? Pero nung huling pagkikita namin nuon, nagsorry siya dahil di niya daw sinasadya. Pero bakit ngayon' muli niyang hinakbang yung labi niya? Kung di lang talaga dumating tong si maulee. May mangyayari talaga ee!

"Okay lang.. ang cute niya nga kasama" sagot ko naman. "Ako nga dapat magsorry dahil sa nangyari kanina.." napayukong ani ko. "Yun kaseng baklang yun.. sumusobra na yun!" di ko mapigilang mainis.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon