The 100th Shopa

1.4K 131 60
                                    

LEEFORD'S POV

Dinala ko sa tent ng medics si Jannete bigla nalang kase siyang namutla ng makita yung duguang mukha ng studyante kanina.

"Ok na ako nurs dito sa inhaler"  sabi niya sa nurs na nag aasikso.

"Sige po mam"

"Anong nangyare?" tanong ko sa kanya. Bumangon naman eto sa pagkakahiga sa kama sa loob ng tent.

"May hemophobia ako .." sagot niya.

'Ah fear of blood'

"Pero ba't sa sugat mo jan" nguso ko sa siko niya.

"Hindi ko naman kase nakikita yung dugo dito sa siko ko" bigla nalang etong tumabi sa akin at naupo sa Lap ko  Di ko inaasahan yun! "Nag aalala ka sa akin?" nakangiti niyang tanong.

Dahan dahan kong inalis siya sa pagkakaupo sa akin. Irita naman etong tumayo rin.

Hindi na siya maputla. Kitang kita ko na ang babaeng kanina pang humaharot sa akin.

Tss..

Nagulat naman  ako ng Bigla niyang niyakap ang mga braso ko.

'Nakakarami na to ah'

Inis ko siyang tinignan. "Please.."  aniya. "Medyo nahihilo parin kase ako eh"

'Hindi halata!'

Nagsimula na akong magkakad palabas ng biglang...

MAY MGA NAGPASUKAN SA TENT!

(⭕____⭕)!!

Nagulat ako ng makitang pumasok si Dennis. Gulat din etong makita ako.. at nakatingin siya sa bandang braso ko.

Anong nangyari sa labi niya? Kitang kita ko ang sariwang sugat sa bandang nguso niya.

Bigla etong umiwas ng tingin. Kasama niya si Dwife at dalawa pang studyante. Sumunod naman etong..

Pamilyar siya sa akin. May sugat eto sa pisnge at inaalalayan ng isang lalaki may tatlong lalaki naman na studyanteng nakasunod sa kanila.

Kasunod na pumasok yung Main Organizer namin.

"Nurs.. paki asikaso sila" sa tinig niya ay alam kong galit siya pero iniiwasan nitong sumigaw. "Pagkatapos niyo jan ay mag uusap tayo!"

Dun ako nagkamali. Sumigaw na eto.

Napatingin ako kay Dennis. Anu nanaman nangyari? Ano nanamang pinasok mo?

Lalapit sana ako sa kanya ng maramdaman ko ang paghigpit ng hawak ng katabi ko sa braso ko.

"Natatakot ako.." Kita ko ang takot sa mukha niya. Paano bato di ko naman siya mapabayaan.

"Sige ihahatid muna kita sa labas" tumingin muna ako sa gawe ni Dennis pero nakatingin siya dun sa isang lalaki sa harapan niya.

Napatingin naman sa akin si Dwife tila nag tatanong ang mata neto sa akin tungkol dito sa babaeng nakapulupot sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung kanino ako magaalala.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon