The 135th Shopa

2K 149 116
                                    

DENNIS POV

05|25|2016
Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa mga dumaang araw ay halos walang palya na makaramdam ako ng kilig.

Araw araw nililigawan niya ako sa paraang halos maging puso nanaman ang paningin ko sa mundo.

Lagi niya akong sinusundo sa harap ng eskwelahan tuwing uwian, at siya narin ang naghahatid sa akin.

Bumili narin ako ng sariling skateboard, yun ang sinasakyan namin lage pauwe.

Mabilis akong natuto mag skateboard, dahil hindi lang magaling gwapo pa ang coach ko.
😍😍😍😍

Ayaw niya lang ako turuan ng mahihirap na tricks.

Ang mahalaga sabay kameng nag iiskate pauwe habang magkahawak ang mga kamay.

Minsan pag ginagabi dahil sa Campus Vice Pres nga ako ay dinadala niya naman ang motor niya.

Basta araw araw nadadagdagan ang pagmamahal ko sa kanya.

Mas lalo ko pang nakikilala si Lucario, hindi bilang kaibigan. Kundi bilang isang taong mapagmahal.

"Guten Morgen Germany!" masayang sigaw ni Jona.

Napatingin kame sa kanya, habang naglalakad na papunta sa starting point ng InterCamp Competition.

Sa Germany ang lugar ng nasabing competition, at nandito nga kame ngayong anim kasama si Sir Chris.

"Ingay mo oy, baka magulat ka sungalngalin ka nalang niyang mga yan" tumatawang turo ni Drew sa mga campers na galing sa ibang bansa.

Malalaki ang mga katawan at ang tatangkad.

"Alam niyo, di parin ako makapaniwala" namamanghang humarap sa amin si Sir Chris. "Antibay niyong anim" Proud na proud si Sir, yun ang kwento niya sa amin.

Dahil siya rin naman talaga ay malaki ang naging parte para mag grow kame bilang magagaling na campers.

Unang araw ng camp ay aakyat daw kame sa isang bundok na tinatawag na Waldseilgarten, isang adventure mountain daw ito kung saan matatagpuan ang Hanging Tree Tents.

On the way papunta sa pinakadulong destinasyon ngayong araw ay may challenges na daw agad.

Ang matatalong pares ay uuwe rin agad bukas. Manalo matalo sa unang challenge ay ma eenjoy daw ang ganda ng Hanging Tree Tents.

Isang grupo kame, pero pares parin daw ang labanan tuwing walang group activity.

Kame ni Lucario Beyb ang magpartner.

"Gusto ko maranasan yung Hanging Tree Tents" sabi ko sa kanya.

"Lagi ka naman lutang pag kasama ako diba' Walang pinagkaiba yun" sabi nito sabay hakik sa buhok ko. "Biro lang"

"Sino ba naman ang hindi magiging lutang, papalapit ka palang' parang anghel ka na nililipad ako sa mundo ng mga puso" inangat ko pa ang mga kamay ko at tinuro ang langit.

"Halika nga dito" hinatak niya ako mas lalo papalapit sa kanya. "Thanks for loving me alway's" Niyakap niya ako mula sa likuran.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon