The 90th Shopa

3.1K 147 42
                                    


D.A.B.A.S.T OLYMPIC'S

Yan pala yung pinakapangalan nung event, nalaman ko lang kay Ate Myril. Tinext niya ako kahapon, alam niya na palang ako yung representative ng school para sa Ms. Equality.

(--__--)

Gusto niya daw ako maka-usap, kasama niya daw si Xavier. Di ko nalang nireplayan yung last txt 'di ako komportable sa mga isasagot ko. Bago ako bumaba ay diniligan ko muna si Bonsi.

"Ang green naman ng dahon ng baby bonsi ko" pagpansin ko sa napakagandang anyo nito. Lalo siyang lumago, lalong bumerde. Tinitigan ko muna siya bago ako tuluyang bumaba sa sala, papuntang kusina.

Nakasalubong ko si kuya brenth na halatang puyat na puyat, humihikab pa to. "Bunso may bago pala sa school niyo?"

Bigla akong kinabahan.

"Paano mo nalaman kuya?" agad na tanong ko.

"Sabi sakin ni Miggy". Teka lang, asan pala yung taong yun. Hindi ko nga alam kung kaklase ko ba yun o hindi ehh. Di ko na maalala.

"Ahhh.. ou may laban laban mga school" sabi ko, pinakikiramdaman ko si kuya kung may iba pa siyang nalalaman. Hindi ko kase alam kung kumakalat na ba yung balita tungkol sa pagsali ko. Si Naruto kaya, alam niya na?

"San mo pala dadalhin yang si Kribkrab.." agad tanong ni kuya. Hehehe, pina-ayos ko kase si kribkrab dahil nga isasama ko siya para may kalaro si maulee.

"Dun sa school, boring kase dun e" pagsisisnungaling ko.

"Okay.." sagot niya sabay punta sa kusina. Naka uniform na siya at halatang papasok na.

"Sila kuya topher?" habang nakasunod ako sa kanya.

"Di ko alam.." sagot niya. "Di naman ako pinapansin ng mga yun eh" Oo nga pala, bat kaya di pinapansin ng dalawang yun si Kuya.

"Kuya yung totoo, bat galit ba sayo sila kuya"

"Malay ko nga" Mukhang inis na siya! Wahhh bad mood ata ang aking super kuya. "Nga pala, kumusta na daw sila ganny?" tanong niya.

"Nakachat ko siya kuya kanina" sabi ko. "Okay lang daw.. masyadong busy daw sa school.." malungkot na sabi ko. "Kaya di makapagvideocall sakin ng husto"

"You need to understand" sabi ni kuya brenth. "Graduating na si Ganny.. hindi lang naman ikaw ang iniisip nun" sabi ni kuya habang umiinom ng kape. "Kung puro, miss.. miss.. yang pinapa-iral mo.. walang mangyayari sa inyong dalawa" sabi pa nito.

"Pero kuya.."

Di niya ako pinatapos.

"Itigil na yang tampuhan na yan, mga selos. Diyan nagsisimula ang lahat..." sabi nito, sabay buntong hininga. "Kung kayo talaga kayo, pero kung hindi.. wala kang magagawa"

"Kuya naman.."

"Wala kang magagawa kung ipagpalit ka niyan sa babae" ikinagulat ko ang sabing iyon ni Kuya! "Lalaki si Ganny... may higit na bagay na pwedeng ibigay ang babae kesa sa tulad mo" napatungo ako dahil sa sinabi ni Kuya.

"Pero wag mo isipin ang sinabi ko, sabi ko nga' kung kayo.. kayo talaga bunso" sabi pa niya. "Magtiwala ka lang, kita mo naman siguro ang effort ng taong yan.." kumuha ito ng tinapay at pinalamanna niya ng itlog. "Masyado karing tamang hinala" sabi pa niya.

"Kuya sakit na ah"

(--___--)

Sinimangutan ko siya.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon