The 118th Shopa

1.2K 125 26
                                    

NOTE: Dapat may load kayo habang binabasa ang chapter na ito, para mas maaprreciate niyo yung every scene thru sa MULTIMEDIA na naka insert, lalo na sa Performance ng grupo nila Dennis. Thank you! 💕








DENNIS POV

Hindi ko alam kung saan ako humuhugot sa mga pinagsasabi ko.

Isang Lucario, pinagsasalitaan ko ng ganito?

"Sige" Tumingin ulit siya sa akin. "Tapusin lang natin tong Talent Contest ng maayos para sa grupo"

Inilagay niya ang mga kamay niya sa buhok ko.
"Hindi na ako magpapakita sayo, simula bukas"

Ginulo niya yung buhok ko.
Hindi ako makakilos di ko mapigilan ang ginagawa niya sa akin.

"Gusto kong maipanalo natin to, para manatili kayo dito"

"Sige" nasagot ko nalang. Inalis niya ang nakapatong na kamay.

Bat ganun, parang may iba nanaman akong nararamdaman.

"Kaloka kayo!" kita ko na sa mukha ni Jona ang pagkainis. "Ano palit nalang kaya tayo? Kame nalang magshashadow eme jan tapos kayo ang na ang mag duet ever.. Kalerkey!"

"Sorry" sabi ko "Last try.." parang nahihiya kong sabi sa kanya.

"Kaloka.. paosmenia na akey!" tapos bumalik na ito sa pwesto nila ni Threz.

🎼🎵🎶
We were strangers, starting out on a journey
Never dreaming, what we'd have to go through
Now here we are, I'm suddenly standing
At the beginning with you

Sa mga unang linya ay scene magkikita yung dalawang shadow sa Paris. Habang nasa may Ifle tower yung dalawa.

Yung ifle ay nagawan din ng shadow ng mga iba naming member, next ay yung magbabangka na for adventure papunta naman sa ibang place.

Naging smooth yung Praktis namin hanggang matapos yung Act.

Walang pansinan.
Mata lang ang nag uusap sa amin.

"Kausapin namin si Sir Chris, na pag tayo na magpeperform palipatin nalang natin sila dito" sabi Threz. "Medyo critical and hindi na pwede galawin tong props"

Kinakabahan ako para sa magiging performance mamaya.

Yung damit ko nilagay ko sa ulo ko kinorte kong buhok ng babae.

Walang pagkain na prinovide sila Sir, kaya yung natira lang kanina at biscuit ang pinagsaluhan namin.

Pati yung mga hinog na saging.
"Huwaw saan niyo to nakuha" pagtukoy ko sa saging.

"Kinuha ni Leeford para sayo daw"

(🔘______🔘)

Napatingin naman ako sa lalaking yun na nakapwesto sa malayo sa akin. Nakatingin lang siya sa dagat habang kumakain ng saging.

Gusto ko magalit, pero wala na akong puot na mailabas ng sabihin nya sakin na di na siya magpapakita sa akin simula bukas.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon