The 1st Shopa

11K 170 13
                                    

DENNIS POV

Araw ng sabado at may usapan kame ngayon ni Joey.

~ FLASHBACK ~

"Huy samahan mo nga ako bukas" abala ako nun sa pakikipagchat kay krab sa messenger. Bahagya ko muna yung hininto at aking idinako ang paningin ko sa kanya.

Nakipagkita siya sa akin. Andito kame ngayon sa SM Bicutan, ayaw ko pa nga sanang sumama ee. Pero masyadong mapilit. Tsk!

Galit tuloy yung kachat ko. Hindi daw kame makapag SOC.

Sclash of clan?

Mali!

Sex on Cam yan! Wag kayong ano (@^__^@)--*

Gusto niya daw gumala. Pero bat ako yung niyaya, bat hindi yung jowa niya?! Di ko na tinanong pa. Siguro may problema silang dalawa. Tch!

"Huy ano tulala nalang?" nagulat ako ng biglang sigawan ako nito sa mukha. Pwe! Talsik laway ee! Buti't mabango ang hininga niya. Hehehehehehe "Ganun nalang ba ka-abala diyan kay Ganny boy?"

"Oo naman siyempre!" sabay hawak ko sa kwintas na bigay niya. "Miss na miss ko na siya joey" malungkot na sabi ko.

"Ohh siya kayo na yung LDR na pang forever" sarkastikong usal niya. Tong tomboy na ito! Tsk!

*LDR = Long Distance Relationship*

"Ano namang kinalaman niyan? Tsk.."

"Mahal ka nun wag kang mag-alala brader" napangiti naman ako sa sabi niyang yun. "Kung magloko ee di Break agad" biglang uminis ang pagkakatingin ko sa kanya.

"Hoy ano ba!"

"Biro lang brader" siya sabay subo ng fries na nasa lamesa namin. Andito kame ngayon sa food court ng mall.

"Di magandang biro yan Joey. Kainis ka!" Inis talagang sabi ko sa kanya. "Hindi yun mangyayare no.." napatingin ako sa cellphone ko.

Dame na pala niyang message na sineen ko lang hehehehehehe. Kaya sobrang galit nanaman ng mga message niya.

"Ano sasamahan mo ba ako bukas?" muli akong tumingin sa kanya at inirapan siya. "Tss.. bakla talaga si brader" natatawang sabi niya.

"Bat ba hindi mo isama yung Boyprend mo?"

"Eee basta. Ikaw gusto ko" inis ko naman siyang tinignan. "Oy hindi ganun yun! Hindi tulad niyang iniisip mo."

"Saan ba?"

"Jogging tayo bukas"

'Tsk anu nanaman kaya pumasok sa isip nito't nagyayayang mag jogging?'

Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. "Bat mo naman yan naisipan? Di ka naman tumataba aa?"

"Ayaw mo nun pagpawisan man lang muna tayo bago sumabak sa lunes?" sabi niya sabay lapit ng mukha sa akin mula sa kabilang lamesa. "Remember pasukan na sa lunes brader"

'Pasukan na pala sa lunes! Tsk!'

"Ayoko.." aniko.

"Bakit naman?!" Inis na upo niya. "Anong klaseng kaibigan ka brader?" malungkot na sabi niya sabay laklak nung coke float na tinangalan niya ng takip.

'Brader?! Tsk! San ba niya napulot ang salitang yan! Parang kapatid lang, ganun?!'

"Asan ba kase si karim? Bat hindi mo siya yayain?"

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon