The 80th Shopa

4.7K 211 84
                                    

LEEFORD'S POV

Biyernes.

Tulad ng ibang birthday party, may sariling tema ang Birthday Party ni Gale. Sabi nina Philip kahapon sa akin ng dalawin nila ako dito sa bahay ay. Formal Attire daw para sa mga lalaki, required na merong half mask tapos kapa sa likuran. Tsss...

Kabaduyan.

Para naman daw sa mga babae Gown, half mask at pakpak naman sa likuran.

Kasama ko si Calvin at Jairu kanina sa mall. Parepareho kameng di kompleto sa susuutin kaya naman bumili kame. Dito narin sila tumuloy sa bahay, para sabay sabay na kame sa pag-alis.

"Meowwww.."

"Siyempre meron din ang ming ming namin!" si Jairu na kinuha yung isang paperbag ng pinamili.

"Iwan lang siya dito.." sabi ko naman. "Dapat kase di kana nag-abala diyan sa binili mo para sa kanya" sabi ko.

"Meowwww.." malungkot na sabi ni maulee.

"Ano ka ba Lee di pwedeng di kasama si Maulee.. masyado ko talagang KJ, hindi naman to basta bastang pusa tong si maulee.. Professional naman to" pagtatanggol ni Jairu.

"Meoww.. Meoww.. Meoww.." sabay lapit nito Jairu na tila nagpapakampe.

"Alam mo namang.."

"Ako na bahala sa kanya! Behave naman ito si maulee ehh diba kuchi kuchi.." paglalaro nito kay maulee.

Tss..

Bahala nga kayo.

(-.-)

Pagkatapos ng usapang yun ay kanya kanya na kameng tatlo sa pag-aayos ng sarili. Puting Longs sleeve tapos isang kapa na may desenyong wolf, pero kulay itim ang background. Lucario design sana bibilihin ko, kaso wala daw ee.

Yung Half mask ko ay kulay puti rin na may konting desenyo na parang dahon sa bawat gilid nito.

Paglabas ko sa kwarto ay naabutan ko namang nagtatalo si Calvin at Jairu.

"Luhh.. di ka papasukin na ganyan suot mo Jai hahahahahaha tomboy ka nga pero dapat nag gown ka parin!"

"Hoy! Inggit ka lang kase mas gwapo pa ako sayo tignan! Mas lalaki pa ako sayo!"

"Sus... kahit anong gawin mo may boobs at ano ka parin.." si Calvin sabay tawa sa sinabi.

"Hoy Calvin sumusobra ka na!" si Jairu. "Napatol ka sa babae.. bakla ka ba!"

"Hahahahaha babae daw siya hahahaha.. Eh kung gusto mo halikan kita diyan ee.. ano?!"

"Yuckk kadiri ka! Lumayas ka nga sa harapan ko!"

"Ito hahamon hamon, tapos di nama kayang panindigan.. Wala ka Jai.. dali kiss kita hahahaha"

"Siraulo ka!" si Jairu sabay bato niya sa unang nakalagay sa sofa kay Calvin.

"Tss.."

BIGLA SILANG NATIGIL NA DALAWA.

"Malapit na magsimula yung Party.. dapat makarating tayo dun ng mas maaga" sabi ko sa kanila. Habang hinahanap ko si maulee.

"Sensiya na Lee ahh si Calvin kase eeehh ang manyak!"

"Mamaya niyo na yun ituloy.. Inaasahan tayo nila Andy dun sa Party" seryosong sabi ko.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon