The 24th Shopa

2.7K 111 3
                                    

DENNIS POV

Nakakainis isipin na 16 hours ahead pala ang Pilipinas sa Los Angeles. Kaya naman pala di kame nakapag-usap kahapon ng maayos ng Krab ko--- Kase may pasok siya. Basta nakakahilo ang mundo! Pinaglalayo niya talaga kame ng Alimango ko.

Tapos di ko naman kase tinatanong kung anong oras na sa kanila. Pag nakikita ko kase siya sa Monitor gusto ko panay lampungan lang kame, hindi ko man lang kinunsidira ang time difference naming dalawa.

Hmmmmmmm ngayon at bukas talaga ang bakante niya. Pero marami parin daw siyang gagawin.

Genius at Sipag mode ang Krab ko. Naka-alis na kaya sila nung Kaibigan niyang si Mauricio?

Mauricio?

Baho ng pangalan.

"Pasay Moa.. Pasay Moa" biglang huminto itong Jeep na sinasakyan ko sa isang sakayan.

Nakasilip ako nun sa may Bintana nitong Jeep na medyo maluwag pa ng makita ko si... Joey at Karim na magkasama.

Kaya pala isnabero kana dahil tuluyan ka na ngang nasastisfied diyan sa Girlfriend mo. Kung titignan mo kase si Joey ay nagladlad na ito sa pagiging totoong babae. Halos kung manamit ay sobrang porma at nakaka-akit. Sexy na rin.

Kaya yung BF niyang malibog sobrang tuwa.

Sasakay sana sila dun sa naunang Jeep sa amin ng biglang mapuno yun. Oh My! Wag naman sana sila sumakay dito. Umalis na yung naunang Jeep at medyo umabante ang Jeep na ito sa harap mismo nila Karim!

"Pasay Moa.. Pasay Moa" sabi ng Konduktor nitong Jeep na nasa tabi ng Driver.

At sumakay nga silang dalawa. Mey Ged.

Hindi ko na naitago pa ang sarili ko ng maringig ko ang boses ni Joey. "Dennis" pag pansin niya sa akin. Himala kinakausap na niya ako.

Gulat naman kunwari akong napatingin sa kanila na enjoy na naupo sa kabilang upuan harap sa akin. "Uyyy kayo pala" sabi ko. Napatingin ako bigla kay Karim na parang nagulat rin na makita ako dito.

"San punta mo?" tanong ni Joey sa akin. Babaitang to.. Kala ko galit na talaga siya sa akin? Ano kayang nangyare bat nagkaganito ito? Siguro dahil pakiramdam niya ay di ko na nilalandi ang malibog niyang BF.

"Ahh sa Moa.." paunang sabi ko. "May bibilhin tas magsisimba narin" sagot ko sa kanya.

"Ganun? Hmmmm" nagulat ako ng bigla siyang sumanday sa balikat ni Karim. "Kame naman magdedate.." May pang-iinggit na tugon niya.

'Pake ko!'

"Ah ganun ba? Hehehehe" sabi ko sabay iwas tingin sa kanilang dalawa.

"Gusto mo sama ka samin?" pag-aalok niya. Tatanggi sana ako pero muling nagsalita si Joey. "Treat ko" siya sabay lipat sa tabi ko. "I Miss you Brader.." sabay ngiti at pisil sa aking magkabilang pisnge.

"Di ka na galit sa akin?" tanong ko.

"Bakit? Nagalit ba ako sayo?" nakangiting sagot niya. "Wag mo na alalahanin yung mga nakaraang araw.. I have my Own problem that time" sabi pa niya sa akin. "Naayos narin yun kaya no Problem.. Diba Bandz?" biglang tawag niya kay Karim.

Nakatinginan naman kame ni Karim. Parang naiilang siya sa akin. But Nginitian ko siya.

Ngumiti narin siya at tila may sinasabi nanaman ang mga mata.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon