The 83rd Shopa

3.3K 150 23
                                    

LEEFORD'S POV

"Nasa likod mo"

Namalayan ko nalang na kinakabahan na ako ng sabihin yun ni Kagat labi ng buong tapang. Kaya naman dahan dahan akong tumalikod para tumingin.

Pagtingin ko ay..

Nayamot ako bigla ng wala ako makitang tao sa likuran. Mabilis akong napapihit paharap ulit sa kanya.

!(x_x)!

Nakita ko yung ngiti sa mukha niya.

"Hahahahahaha.." tumatawa ito at napapahawak pa sa tiyan niya sa sobrang hagalpak. "Naduduwag ka noh?" sabi niya.

"Sinungaling" mahinang sabi ko.

"Aminin mo na kasi, wala pa nga yung boyfriend ko parang nanginginig kana jan" aniya sabay tawa ulit.

Seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya?

"Totoo lucario, mas gwapo sayo ang boyfriend ko" nakangiti ulit niyang sabi. "Siguro mabait ka lang tignan" sabi niya. "Hahahahahaha"

Anong!

"Tss.." sabay talikod ko. "Kung sino man yang lalaking yan.. bakla rin siguro siya" sabi ko. Naghihintay ako ng response, pero ang tahimik sa likod. Muli akong humarap at nakita ko nga siyang nakatingin sa akin at nakalobo ang mga pisnge.

"Di bakla ang boyfriend ko" seryosong sabi niya. "Baka ikaw ang bakla kase hinalikan mo ako hahahhahaa" muli nanaman siyang tumawa. Naiinis na ako. "Ewan ko nga sayo lucario.. sige alis na ako baka parating na boyfriend ko" sabay alis niya.

"Alam mo.." sabi ko sa kanya. "Wag na kung ano anong kasinungalingan pinagsasabi mo diyan" napatingin siya. "Sinasabi mo lang yan dahil napapahiya ka sa akin, dahil tama ako na wala ka naman talagang kasama dito"

"Alam mo nakakatawa ka rin" sabi niya. "Kase gusto mo akong lumayo sayo.. tapos niyayaya mo akong ihatid mo sa amin?" sabi niya. "Abnormal ka na ata.." sabay ngiti. "Ganun ba ka magical yung labi ko para magbago ang lahat ng nasa isip mo?" nagulat nalang ako ng bigla siyang nag iwan ng kagat labi.

Damn!

"Bye" sabi niya.

Tss..

Bigla akong napa-isip. Rumehistro nanaman ulit yung larawan ng kagatlabi niya sa akin. Ano to? Ano tong nasa isip mo Lucario? Fuck!

Anong Lucario! Leeford ang pangalan mo! Tsss..

DENNIS POV

Medyo malayo na ako kung saan ko iniwan si Lucario. Pero gusto kong lumingon, gusto ko makita kung nandun pa ba siya tinitignan ako. Napapangiti nalang ako sa mga salitang nilalabas ng bibig ko. Paano naman kase, napakalandi niya rin.

May GF pala tapos gusto ako ihatid samin? Ano yun liligawan ako. Hahahaha pero nakakatuwa talaga yung reaction niya kanina ng sabihin kong nanadun ang boyfriend ko! Hahahaha para siyang batang papaluin ng tatay sa pwet ng sinturin hahahahaha!

Tumalikod nga kaya ako?

SIGE NA NGA! TAPOS BEBELATAN KO SI LUCARIO!

Tatalikod na sana ako ng biglang bumungad saharap ko si Ate Gail. May dala itong plato na may lamang cake.

"Dennis.." mahinang sabi niya. "Can we talk?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya bilang pagsang ayon. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa isang mesa. "Kumain ka na muna ng cake" malungkot na sabi niya.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon