The 47th Shopa

1.9K 89 1
                                    

DENNIS POV

"Forest..." parang manghang sabi nito sa harapan ko. Pansin ko yung pagngiti ng labi niya tapos tila kumikislap yung mga star sa mga mata niya.

Inalis ko na yung kamay ko sa kanya at tumingin sa mga puno sa paligid. "Oo, Forest.." pagsasalita ko habang nakangiti sa mga puno sa kapaligiran. "Para kase sa akin isa kang gubat.."

"Isa akong gubat?" tanong niya naman.

"Kase nanjan ka palage tuwing may naliligaw na kawawang bata.. hehehe" ang labo nung sinabi ko. "Ibig kong sabihin maligaw man ako sa gubat, alam kong di ako pababayaan ng mga bagay na naroroon.. alam kong mabubuhay ako sa mga katangian na ibibigay sa akin ng gubat na mapagmahal.." yumuko ako na ngiting ngiti.

"At sa tingin ko nakita ko na yung Gubat na kaya akong buhayin sa mga yaman na meron siya sakaling maligaw man ako.. At ikaw yun" sabay titig ko sa kanya. "Kaya naman balang araw.. kung sakaling manganak ka man ng lalaki, gusto ko ipangalan mo Forest.."

Kitang kita ko na tuwang tuwa siya sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Pag ginawa mo yun, isa lang ang ibig sabihin.." Tumitig ulit ako, inaakit ko siya LOL! Pinapasaya ko lang siya.

"Ibig sabihin?"

"Uto-uto ka.." biro ko sabay tumawa ako.

"Grabe ka naman.." nakangusong aniya sabay iwas ng tingin sa akin.

"Di na to mabiro.. Ibig sabihin lang nun. Minahal mo talaga ako hehehehe" lakas loob kong sabi sa kanya. Kita kong nagbago ang lungkot sa mukha niya at napalitan yun ng kilig. "At balang araw gusto ko siya makilala.. Si Mr. Forest Grander"

Hindi na ako nagulat pa ng hatakin niya ako para yakapin. "Salamat Dennis.. napasaya mo ako ngayong araw." bulong niya sa akin.

"Salamat din dahil nailabas ko yung sama ng loob ko, ang gaan na ng pakiramdam ko ngayon" sabi ko naman sa kanya.

BUMITAW NA SIYA SA PAGKAKAYAKAP AT HINAWAKAN ANG MAGKABILANG PISNGE KO.

"Pangako.." madiin at sinserong aniya. "Magiging totoo si Forest.. at ipapakilala ko siya sayo, ipagmamalaki kong ikaw ang nagbigay sa napakagwapo niyang pangalan"

"Pangako yan aa" ako sabay buntong hininga. Napansin kong mataas na pala yung sikat ng araw. "Wala ka bang klase?" tanong ko.

"Meron, diba ikaw meron din?" tanong niya sabay tayo at lapag sa bag niya. May hinanap siya dun. Maya maya ay may nilabas siyang maliit na case na kulay pula tapos may simbolo yung kulay puting krus.

Medical Kit yun.

Maya maya ay umungko siya sa harapan ko at tinignan niya yung paanan ko. "Alin nga dito yung masakit?" tanong niya. Ginalaw ko naman yung kanang paa ko para ituro sa kanya.

Agad niyang inalis yung sapatos ko.. Oucchhhhh medyo mahapdi kahit igalaw lang yung sapatos ko.

"Masakit?" tanong niya. Umiling nalang ako.. "Sus.. kaya yan, mas masakit pa diyan pag tirahin ka sa pwet.. Hehehe"

HALOS MAMULA ANG PISNGE KO DAHIL SA GULAT AT SOBRANG PAGKAHIYA SA SINABI NIYA!

"Bunganga mo naman Xavy.." nahihiya kong tugon.

"Biro lang.." dahan dahan na niyang inaalis rin yung medyos ko.

"Dahan dahan lang.. Ahhh!" nasabi ko ng tila binibilisan niya ang pagtanggal nung medyas ko.

"Parang ano lang ahhh hehehehe"

ANG BERDE NANAMAN PO NG UTAK NIYA!

"Ikaw ahhh.. Bawal na nga tayo sa ganyan" paringig ko sa kanya. Kita ko naman lumungkot yung mukha niya. Tumayo siya tapos umalis!

Hala nagwalkout?

~ ITUTULOY ~

Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon