The 74th Shopa

3.1K 187 44
                                    


GANNY'S POV

Pagpasok ko sa kwarto niya ay tumambad sa akin ang malamig at medyo madilim na silid. Pero tanaw ko ang mapanglaw na liwanag mula sa glass door sa balkonahe mula sa ilaw sa labas.

Dahan dahan kong isinara yung pinto, kita ko naman siya na nakahiga na sa kanyang kama. Siguro naman di pa siya tulog, siguro ineexpect niya rin naman na gagawa ako ng paraan makasama siya ngayong gabi.

Excited na akong lumapit sa kanya, mayakap siya at muling maramdaman kung gaano kasaya tuwing magkatabi kami sa iisang kama.

Ipinatong ko sa munting lamesa na nakapa ko yung susi na binigay ni Brenth. Gusto kong magising siya, gusto kong malaman niya na nandito ako ngayon sa kwarto niya.

Kinapa ko agad yung switch malapit dito sa kinatatayuan ko at sinindihan ko yung ilaw. Lumiwanag yung buong kwarto, nakita ko siyang nakatagilid at nakatalukbong ng kumot.

Pero maya maya naman ay dahan dahan itong gumalaw hanggang sa inalis niya yung kumot at tumingin na sa dako ko.

DENNIS POV

"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sa kanya ng makita kong nandito siya sa kwarto. Tulad ng inaasahan ko andito si Krab sa kwarto.

Ngumiti lang siya sabay lapit sa akin. Tapos tumabi siya sa kama sabay kuha ng bahagi ng kumot ko at nakitalukbong din. "Krib tulog na tayo" sabi niya sa akin. Aiisssssssttt anong kala mo makukuha mo ako sa kaka-ganyan mo!

"Ano ba!" sabay iwas ko sa kanya. "Yang sapatos mo, bat mo ba tinataas dito sa kama" pagtataray ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa akin sabay ngiti ulit.

"Ay sorry Krib.." aniya sabay baba sa kama. Tapos di siya magkandaugagang alisin yung sapatos at medyas. Sabay akyat ulit.

"Anong ginagawa mo ba dito aaa" muling pagpapa-alis ko sa kanya. Tsskk.. Bakit ngayon ka lang, kanina pa ko naghihintay dito sa kwarto!

"Tabi tayo matulog.." sagot niya.

"Ayoko!" Kainis ka kase, naiinis ako sayo! Bakit ka pa kase nambabae, alam mo naman yan ang ayaw ko sa lahat. Alam kong talo ako pag babae na ang lumandi!

"Anong magagawa mo.. ee gusto kong tumabi sayo" sabay lukso pahiga sa kama at komportableng humilata. Ewan ko sayo, siguro pag katabi mo ako 'naiisip mo yung magandang babaeng yun!

"Anong magagawa mo, eh ayaw kitang katabi" sabi ko naman sabay taboy sa kanya. Hmmmmf nakakamiss rin pala hawakan ang lalaking ito.

Agad naman itong napatingin sa akin na ngiting ngiti. "Tsumatsansing ka lang Krib eehh.. Okay lang, wag kang mahiya.. yakap na" Bat pa kase ko naiinis sayo? Gusto kong gawin yan pero gusto ko maramdaman mo ang selos ko.

"Kapal mo din.." sabi ko. "Alis na nga diyan" pagtataboy ko sa kanya sa pagsipa sa kanya. "Maaga pa pasok ko aa.."

"Tatabi lang naman ako sayo Krib.." malungkot at nakangusong sabi nito sa akin. Eh di tumabi, tapos suyuin mo ako magdamag.

Pitong beses! Sinong di maiinis, na malamang nakipagsex ka sa iba! At ang malala pa ay sa isang babae!

^(u_____u)^

Sobrang envy ang nararamdaman ko tuwing iisipin ko kung paano kayo magsex ng babaeng yun! Kung paano niya laruin at paligayahin ka niya. At kung paano mo siya romansahin at pasukin.

Ewan! Ewan! Ewan!

Di na ako nagsalita pa, nahiga nalang ako pagilid at nagtalukbong ng kumot. Pero dahil di ako makatulog pag may ilaw...

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon