The 85th Shopa

2.7K 136 44
                                    

.....

"Bunso kanina pa nasa baba si Ganny" sabi sa akin ni Kuya Brenth kanina sa kwarto ng ginigising niya ako. I Don't Care wala ako pake sa mongoloid na yan. Bahala siyang magsawa kakasuyo sa akin! Ilang araw na siya pabalik balik dito sa bahay. Hindi ko parin siya pinapansin dahil sa ginawa niya sakin nung nakaraan.

"Sino ba yang Ganny na yan?" tanong ko kay Kuya Brenth sa Pinto. "Sinasahog ba yan sa sinangag? Hindi naman ata masarap yan" sabay kuha ko sa bag at suot na dito. Handa na ako bumaba para mag almusal. "Gutom na kase ako.. gusto ko ng makakain ayoko ng sinungaling Hmmmp!"

Lakas ng loob ko magsisisgaw noh?

Kase kame lang ni Kuya Brenth nandito sa bahay. Yung iba kong mga kuya may pinuntahan basta sila. Basta hindi kame sumama ni Kuya brenth. Si kuya brenth naman ay nauna na sa akin bumaba pagkagaling niya sa kwarto, napapangiwi nalang siya sa mga inaasal ko pati sa mga pinagsasabi ko na di niya ata maintindihan. Pati ako di ko rin maintindihan.

Pagbukas ko ng pinto...

Nakita ko si Ganny na nakatayo at nakasimangot sa akin. "Ako pa talaga yung hindi masarap?" salubong kilay na tanong niya.

"Oo hindi ka masarap!" sigaw ko.

"Pagkatapos mo akong pagsawaan" sagot niya. "Pagkatapos mong pudpurin tong..." bigla siyang tumawa ako naman nainis.

"Pudpurin mo yang mukha mo!" sigaw ko. Sabay alis, agad siyang sumunod at humarang sa akin.

"Sorry naman na ohh" pagmamaka-awa niya.

"Sorry?" papilosopo kong tanong. "Sayo na yang sorry mo walang humihingi niyan, ibenta mo dun sa Ex mo!" sa galit ko yan nalang ang mga pinagsasabi ko. Ang gulo diba?

Bigla siyang natahimik.

"Oh buti naman natahimik kana.." sabi ko. "Nagsasawa na ako kakabuntot mo sa akin sa skul.. kakulit mo dito sa bahay. please umalis ka muna sa harap ng mga mata ko"

Bumaba na ako sa hagdan at dumeretso nalang palabas. Nawalan ako ng ganang kumain.

Magsama sila dun ni Kuya sa bahay!

CAZI'S POV

"Queen C!" di makapaniwala sa aking harapan ang tatlo kong alalay. "Ang gwapo mo rin pala pag mag boylet boyletan ka" sabi ni Girl Buka sa akin!

Pasabunot kong kinuha yung ulo niya palapit din sa salaming kaharap ko dito sa bahay.. Oo, andito tong tatlong alalay kong ito para paghandaan ang nalalapit kong pang aakit sa anak ng may ari ng school na bago kong nilapitan.

"Natural maganda ako diba? Kaya gwapo ako kung magiging guy ako.. Like what are you looking now.. are you amaze?" sabay tapos ko sa kanya. Tumayo na ako at nagmomodel sa harap ng salamin.

"Queen C, isuot mo narin to para kumpleto na ang pagpapalit anyo" tumingin ako kay Jameyla at kita kong hawak niya yung salaming pang nerd. Ewww.. kahit di ko gusto ang ganitong style gagawin ko para makuha ang ang loob ni Rainbow guy!

"Akin na!" sabay suot ko.. At Wowwwwwwwww perfect ang gwapo ko talaga. I mean ang cute ko na guy para magustuhan ng another guy.. Oh M Godd!

"Queen C.. eto narin po yung gayuma!" sigaw naman ni Girl buka na kinainis ko! Agad ko siyang sinamaan ng Tingin!

"Ano ka ba bat ka ba sisisgaw sigaw diyan tungkol sa gayumang yan! Nagbabasa ang reader ng author ng kwentong ito! At mga bitter yan dahil mapapasa akin na si Rainbow guy! Kaya shut up ka jan! Baka isipin din nilang gagamit ako ng gayuma? Duhhhh.. ganda lang ang puhunan nito.... Hmmmmp! Tinitingin tingin mo diyan sa cellphone mo? Magbasa ka lang! Pashnea ka!"

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon