The 7th Shopa

4K 133 5
                                    

A/N: Kung sisipagan niyo lang ang Pagcomment at Pagvote ---Sisipagan ko rin ang pag-uupdate mga Ka'Green ((@^____^@))

SOMEONE'S POV

BAGGGGGGGGGGGGG!!

Gigil kong hinampas ng palakol ang larawan niyang nakadikit sa lumang pisara dito sa aming kuta.

KRIKKKKKKKKKKKKT!!

Halos mabaklas na yung pisara nang bunutin ko ang nakatarak na palakol.

"Sobrang galit ba?" nakangising tanong ng taong nasa tabi ko. Hinarap ko siya at nginisian.

"Wala kang pake-alam" sabay lakad ko pabalik sa mga lumang sofa dito sa aming kuta. Naka-upo sa dalawang single sofa na nasa tabi nitong mahabang sofa ang dalawa kong kasamahan, habang siya ay nakatayo at tila pinagmamasdan ang larawan sa pisara.

Pinagmasdan ko ang mukha ng kasama ko, makikita mo sa kanila ang tuwa. "Alam na namin kung saan siya nakatira boss" napalingon ako ng magsalita si Harlon. "United Paranaque Subdivision... Two"

Agad lumundag sa saya ang aking puso na nababalot ng kadiliman.

"Mahusay.." papuri ko sa dalawa. Agad kong itinabi ang palakol sa tabi ko—Dito sa isang luma at maalikabok na mahabang sofa. "Gusto kong magdusa ang inutil na yun" sabay tingin ko sa pisara.

Nakatingin na rin sa akin ang lalaki sa harapan.

"Ipapakilala ko sa kanya kung sino ang binangga niya" muli kong hinawakan ang palakol at pahagis ko yung tinapon sa may pisara.

BAGGGGGGGGGGGGG!!

'Mahusay..'

"Magaling ka rin pala sa ilagan.." dahan dahan na siyang lumalapit sa aming tatlo. Demonsyo kung makangisi ang isang ito.

"Hindi mo ako matatakot sa ganung istilo ng laro" siya sabay turo sa palakol. "Lalo na siya.." sabay turo sa larawan. "Hindi mo yan mapapatumba agad agad.." ipinatong niya pa ang paa niya sa lumang mesa na na sa harap ng mahabang sofa.

"Ano nga pala ang ginagawa ng isang tulad mo dito?" tanong ko sa kanya. "Diba.. kasamahan mo siya?" sabay turo ko sa larawan ng demonyong nilalang.

"Buti alam mo na ngayon?" sabay halakhak niya sa aking harapan na kinainis ko. "Bat nung ginawa niya yan sayo hindi mo siya kilala?" aniya.

'Sa totoo lang.. hindi ko alam na miyembro siya ng grupong kinasasamahan ng lalaking ito'

"Hindi ako interisado sa taong gaya niya"

"Sa taong muntikan ka ng patayin? Huh?" natatawa pa kunong tanong niya. "Anong alam mo sa Grupo namin? Wala.." sabay dila na parang may iniisip na masama. "Andito ako para tulungan ka" dagdag niya.

"Paano mo ako matutulungan?"

"Tutulungan kita para mapatumba siya.."

"Hmmm Gaano mo ba siya kakilala?" tanong ko naman.

"Brenth R. Hernandez.. ang pangalan niya" napatingin naman ako sa dalawa kong kasama.

Tumango sila.

"Kung tawagin sa aming Grupo ay Black.." ngumiwi siya. "Nakapatay na yan.." parang demonyong usal niya sabay ngisi sa akin na parang si joker!

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"Nakapatay?"

"Killer in disguise ang isang yan.. Sknifer mabilis kumontrol ng kutsilyo" sumipol pa siya. "Kaya niya kayong todasin sa loob ng.." napa-isip siya. "Siguro isang munuto.." sabay sulyap sa aming tatlo.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon